68 songs. Lahat ‘yan napakinggan ko sa aking reliable mp3 player mula pag-alis sa bahay hanggang makarating sa opisina. Ganoon katindi ang trapik. Ganoon ako katagal nagbiyahe. Buti at second late of the month ko pa lang kaya medyo kalmado pa ako. ‘Yun lang. Grrr.
Nai-post ko ito sa lumang blog ko noong July 5, 2005 (Tuesday). At hindi ko na maalala kung ano meron noong araw na iyan. Kung 2005 ito ay nagwowo-work pa ako sa ikalawang company ko. So ang biyahe ko nito ay mula Caloocan to Makati. Ni-check ko pero wala namang news about traffic sa araw na iyan. Isa pa eh, sumasakay ako ng LRT Line 1 (Monumento to Baclaran) papunta sa work. So baka (baka lang) nasira ang LRT-1 kaya posibleng nag-jeep ako hanggang Gil Puyat.
Nilagay ko na sa isang Spotify Playlist. 3 hours and 45 minutes kung patutugtugin mo lahat. Ang mga songs ay accurate sa luma kong post except sa Imbecillesque. Wala pa kasi sa Spotify ‘yung original version ng Rivermaya. So ‘yung cover/tribute version lang ang nailagay ko. Wala din akong recollection kung bakit ‘yan ang soundtrip ko nung mga panahong iyon. Anyway, kung nasa heavy traffic ka, puwede kang mag soundtrip gamit ang playlist na ito 😎👌🎧🎵




