Wrong Spelling

May dalawang lalaking naglalakad pauwi galing sa isang Halloween party. Napagdesisyunan nilang mag-shortcut sa loob ng sementeryo.

Habang naglalakad sila sa gitna ng sementeryo, may narinig silang ingay na parang may nagpupukpok. Kinilabutan silang dalawa.

Maya-maya, nakita nila ang isang matandang lalaki na may hawak na martilyo at pait (chisel), at may inaayos na lapida.

Lalaki: Grabe naman, Tatang! Tinakot n’yo po kami. Akala po namin multo kayo. Ano po ba ang ginagawa n’yo rito at nagtatrabaho pa kayo ngayong dis-oras ng gabi?

Matanda: Loko kasi itong pamilya ko! Mali ang spelling ng pangalan ko sa lapida, kaya heto, itinatama ko!


Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *