Isang lalaki ang nagtanong sa kaniyang misis:
Mister: Kung sakaling mauna akong mamatay, mag-aasawa ka ba ulit?
Misis: Siyempre, masasaktan ako nang sobra. Pero siguro, eventually, mag-aasawa rin ako ulit.
Mister: Pero hindi mo naman siya patitirahin dito sa bahay natin, ‘di ba?
Misis: Bakit naman hindi? Pinaghirapan kong gawing tahanan ang bahay na ito. Hindi ko naman basta-basta iiwan.
Mister: Pero hindi naman kayo matutulog sa kama natin?
Misis: Well, hindi ko naman kailangang palitan agad ang kama.
Mister: Paano naman ang mga gitara ko? Hindi mo naman siya papayagang gamitin ang mga ‘yon, ‘di ba?
Misis: Siyempre hindi… drummer kasi siya.
Leave a Reply