
the legal stuff
Last Updated: September 26, 2026
Welcome sa denster project (“me”, “my” or “mine”). Sa iyong pag-access o pag-gamit ng https://densterproject.com/ (the “Site”, “Website”), ikaw ay pumapayag na magpasaklaw sa mga sumusunod na Terms and Conditions, Privacy Policy, Copyright, at Disclaimers. Basahin mo ito ng maigi. Malay mo, may surprise quiz sa dulo 😁
⚡ TL;DR (Too Long; Didn’t Read)
Nirerespeto ko ang iyong privacy, pero pinagpaguran ko ang lahat ng nilalaman ng website na ito, kaya kung gagamitin mo ang site na ito para gumawa ng kabulastugan o anumang illegal, kailangan nating maghiwalay ng landas 💔
Hindi (pa) ako nanghuhula, hindi (pa) rin ako nag-aalok ng professional advice, at hindi ko (pa) kontrolado ang buong internet. Kaya bahala ka sa buhay mo kung paano mo gagamitin ang mga natutunan mo dito (kung meron man)!
terms and conditions
🔥 1. The “Don’t Be a Jerk” Policy
Sa pagtambay mo dito, pumapayag ka na sumunod sa mga alituntunin. Isipin mo na lang na bahay ko ito at ikaw ay aking bisita. Ang lahat ng nilalaman ng site na ito ay for personal sharing, fun, at learning.
Just Be Cool
Bawal ang hacking, injecting, malicious scraping, automated abuse, at paggamit ng site para sa paghahasik ng kasamaan o pagpapakalat ng malwares.
Kick Out
Kung aasta ka na parang troll, puwede kitang sipain palabas nang walang abiso. Kaya iwasan ang spamming, trolling, o pag-post ng offensive comments.
Use at your own risk
Kung may sinunod ka na guide na itinuro ko, o may ni-download ka na freebie na nabanggit ko, o basta may ginawa ka dahil sa sinabi ko, ginawa mo ‘yun voluntarily. Kung napahamak ka dahil dito, hindi ko na dapat kasalanan ‘yun =p
Respect
Huwag mang-away o mang-bash sa comments. I-enjoy lang natin ang pagtambay dito. Keyboard warriors, kalma lang.
“Terms and conditions are like software updates,
we all agree without knowing what’s inside.”
privacy and cookies
🔏 2. Your Secret Stash
Nirerespeto ko ang iyong privacy at sinusubukan kong panatilihing simple at minimal ang data collection dito sa denster project. Hindi ko kailangan malaman ang buong buhay mo para lang makapag-explore ka dito.
Sa pag-comply sa Philippine Data Privacy Act of 2012 (RA 10173), ita-trato ko ang anumang personal information na makukuha ko nang may pag-iingat at respeto.
Analytics & Visitor Statistics
Gumagamit ako ng Google Analytics at WP Statistics para maintindihan kung paano ginagamit ang site – halimbawa, kung ilang visitors ang pumupunta dito, anong pages o posts ang binibisita, at kung paano ginagamit ang website overall.
Ang Google Analytics ay isang third-party analytics service ng Google na maaaring mangolekta ng information tungkol sa iyong paggamit ng site, kabilang ang page views, device at browser information, at iba pang usage information. Ang Google Analytics ay maaaring gumamit ng cookies at iba pang technologies para sa analytics.
Gumagamit din ako ng WP Statistics para sa sariling site statistics at visitor counter. Sa default configuration nito, ang WP Statistics ay hindi gumagamit ng cookies o persistent identifiers at hindi nagse-send ng analytics data sa sarili nitong external servers.
Singit ko lang na ang visitor counter sa homepage ay powered by WP Statistics.
Likes
May ilang posts na may Like button na powered by WP ULike. Kapag nag-like ka ng post, maaaring mag-store ang plugin ng information na kailangan para ma-record at ma-maintain ang iyong vote at ang Like statistics ng website.
Sharing
Gumagamit ako ng AddToAny para sa sharing buttons. Kapag ginamit mo ang isang sharing button, maaaring makipag-ugnayan ka sa AddToAny at sa third-party service na pinili mo, gaya ng Facebook, WhatsApp, LinkedIn, o iba pa.
Ang mga serbisyong ito ay maaaring mag-process ng information ayon sa sarili nilang privacy policies. Labas na ako diyan.
Comments & Spam Protection
Kung mag-comment ka sa isang post, maaari kang magbigay ng basic information tulad ng pangalan at email address. Ginagamit ang impormasyong ito para ma-publish at mapamahalaan ang iyong comment at para makapag-reply kung kinakailangan.
Gumagamit din ako ng Antispam Bee para makatulong sa pag-detect at pag-block ng comment spam. Ang plugin ay designed para hindi mag-store ng private user data.
Embedded Content
May ilang pages o posts na maaaring magkaroon ng embedded content mula sa ibang services, gaya ng YouTube videos, social media posts, o iba pang third-party content.
Kapag nag-load ang mga ito, maaaring mangolekta ng information ang third-party service ayon sa sarili nilang privacy policy. Wala akong kontrol sa kung anong data ang kinokolekta nila o kung paano nila ito ginagamit.
Cookies
Gumagamit ang website ng ilang cookies at katulad na technologies para sa functionality at analytics.
Ang Google Analytics ay maaaring gumamit ng cookies para masukat ang paggamit ng site at makabuo ng analytics reports. Ang WP Statistics naman, sa default configuration nito, ay hindi gumagamit ng cookies o persistent identifiers.
Maaari mong i-manage o i-disable ang cookies gamit ang settings ng iyong browser, ngunit maaaring may ilang bahagi ng site na hindi gumana nang maayos kapag ginawa mo ito.
What I Don’t Do
Hindi ko ibebenta ang iyong personal data. Kahit bayaran pa ako ng milyones. Period.
Hindi ko ginagamit ang iyong personal information para gumawa ng advertising profile tungkol sa iyo o para subaybayan ang iyong activity sa iba’t ibang websites na parang stalker.
Kung may information na kailangang ibahagi dahil nire-require ng batas, para sa security ng site, o dahil kinakailangan ng isang third-party service na ginagamit dito, gagawin ko lamang ito para sa naaangkop na purpose.
Your Rights
Sa ilalim ng applicable privacy laws, maaari kang magkaroon ng karapatan na malaman kung paano ginagamit ang iyong personal information, humingi ng access o correction, at sa mga naaangkop na sitwasyon ay humiling ng deletion o objection sa certain types of processing.
Kung may privacy concern ka o gusto mong magtanong tungkol sa data na ibinigay mo sa site, maaari kang makipag-ugnayan sa akin.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mapanatiling ligtas ang iyong data. Pero tandaan na walang website o online system ang 100% hacker-proof. Kahit si Superman may kryptonite.
“Privacy is like underwear.
Everyone has it, but it’s not polite to show it off.”
disclaimer
💼 3. The “Don’t Sue Me” Clause
Bagama’t ginagawa ko ang lahat para mapanatiling accurate at updated ang mga nilalaman ng site na ito, hindi ko maipa-promise na ang lahat ng nandito ay 100% correct, current, o perfect para sa iyo. Pasensiya na, tao lang.
No Crystal Balls
Ang mga content ng site na ito ay para sa informational, entertainment, at minsan ay experimental purposes only. Isipin mo lang na para lang itong pakikipagkuwentuhan sa iyong mga kaibigan – masaya, minsan nakakatulong, pero hindi ito substitute sa professional (financial, legal, medical, etc.) advice. Makipag-ugnayan sa mga real-life pros bago gumawa ng malaking desisyon sa buhay.
External Links
Minsan, nagshe-share ako ng links papunta sa ibang websites. Kapag binuksan mo ang mga links na ito, ibig sabihin ay lilisanin mo na itong ating tambayan, kaya hindi ako magiging responsible kung anuman ang mangyari sa iyo sa bago mong adventure. Browse responsibly. Hindi ko kayang i-control ang buong internet. Hindi pa 😈
Not Liable
Hindi ko pananagutan ang anumang loss, damage, o mild existential crisis na maaaring mangyari mula sa paggamit ng site na ito, to the extent permitted by applicable law. Kasama na rin ang mga broken gadgets, emotional damage mula sa aking movie recommendations, o kung ma-miss mo ang iyong deadlines dahil nag-binge-read ka ng mga posts ko.
Hindi ko kasalanan kung matapunan ka ng kape sa kakatawa sa mga jokes ko, maiyak ka sa sobrang ganda ng mga posts ko, hindi ka makasakay sa train habang nagbabasa, ma-bash ka pagkatapos mong i-share ang content ko, o maubos ang iyong mobile data dahil sobra kang na-entertain.
“The nice thing about disclaimers is that they can make you feel safe,
while telling you you’re on your own.”
copyright and fair use
©️ 4. Who Owns What?
My Brainchild
Lahat ng original reviews, writings, designs, photographs, illustrations, at iba pa na walang kuwentang creative work na ginawa ko para sa site na ito ay akin, maliban kung malinaw na nakasaad na pagmamay-ari ito ng ibang tao o organization.
Sharing is Caring
Feel free na i-share ang links ng aking mga posts, i-quote ang sinabi ko na tunog meaningful, o i-post ang akda ko sa social media – huwag lang kalimutang magbigay ng proper credit sa denster project. Simpleng shoutout o pag-share ng link ay sapat na para mapangiti mo nang slight ang aking puso.
Big No-No
Walang bahagi ng site na ito ang puwedeng kopyahin, kabuuan man o bahagi, at i-post na parang ikaw ang gumawa. Huwag ding i-reupload ang mga images, designs, o media nang walang permiso.
Huwag gamitin ang content ng site na ito para sa commercial purposes tulad ng pagbenta, pag-republish, pag-print sa T-shirts o mugs, o pagpapa-tattoo sa iyong noo nang walang approval mula sa denster project.
Kung gusto mong gamitin ang anumang nasa site na ito, magtanong ka lang. Malaking chance naman na papayag ako. Lalo na kung may libreng kape.
The Borrowed Stuff
Kung makakita ka ng movie posters, album covers, book covers, screenshots, logos, o iba pang third-party material, hindi ko iyon inaangkin bilang sarili kong gawa. Galing ang mga iyon sa kani-kanilang studios, artists, authors, labels, publishers, at copyright holders.
Why they’re here: Ginagamit ko ang ilang third-party assets na ito sa ilalim ng Fair Use provisions bilang bahagi ng reviews, commentary, criticism, documentation, discussion, o contextual reference.
No Harm Intended: Ang goal ko ay i-celebrate at talakayin ang mga likhang ito, hindi angkinin ang mga ito bilang akin.
Kung ikaw ay copyright holder at naniniwala kang may material dito na dapat baguhin o tanggalin, magpadala lang ng friendly note at pag-uusapan natin ito.
“Ctrl+C and Ctrl+V are not life hacks,
they’re lawsuits waiting to happen.”
governing law
🇵🇭 5. The “Where We Settle Things”
Kung meron tayong hindi pagkakaunawaan na hindi kayang ayusin sa maboteng usapan, aayusin natin ito sa ilalim ng batas ng Republika ng Pilipinas, subject to applicable Philippine laws and regulations.
updates
Ang denster project ay maaaring mag-update ng content sa page na ito from time to time.
Kapag may mahalagang pagbabago sa mga policy na ito, ipo-post ko rin dito kasama ang petsa kung kailan ito na-update.
Kung patuloy mong bibisitahin ang site na ito, nangangahulugan lamang ito na makikita mo ang kasalukuyang version ng mga policy na ito. Hindi ibig sabihin na kailangan mong hulaan kung ano ang binago ko – ilalagay ko ang relevant update dito.
Last update: Inayos at pinaganda ang Privacy & Cookies section at may ilang minor tweaks sa buong page.
reach out!
May tanong ka ba? Gusto mo mag-“hi”? May nakita kang typo? Huwag kang mahiya na padalhan ako ng love letter.
“Rome wasn’t built in a day.
Neither are great blogs.”