
Released:
Artist:
Album:
Songwriter:
Bodjie Dasig
Genre:
Una kong napakinggan noong 1990. At kung tama pagkakaalala ko eh meron akong cassette tape nito. Ito ang original unang remake version nang patok na kanta ngayong 2026 ng The Bloomfields na ni-remake din nila noon pang 2007. EDIT: Ngayon ko lang nalaman na una pala itong ni-release ni Bodjie Dasig na siyang nagsulat ng kanta.
Ale
Nung isang araw nagmamaneho sa Cubao
Aking nakita babaeng saksakan ng ganda
Sinundan ko ang kotseng sinasakyan nya
Hindi ko nakitang may dumarating pala
Hindi ko naiwasan kami’y biglang nagkabangaan
Nang magkamalay ay nasa ospital na ako
Inasikaso ng doktor na pili ng nanay ko
Biglang-bigla na lang ang nurse andyan na
At para ‘kong nakita anghel sa ganda
Kahit nagdedeliryo itong nasabi ko sa kanya
Ale, nasa langit na ba ako?
Mama, kayo po ba si San Pedro?
Ok lang sa akin kung ako’y dedbol na
Basta’t ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale nasa langit na nga ako
At paglabas ko niyaya ko na syang pakasal (niyaya ko na syang pakasal)
Tinanggihan nya at ang sabi may asawa na sya
Dinamdam kong masyado’ng sinabi nya
Hindi ko nakita hagdan ubos na
Ako ay nahulog sa semento ulo ko’y nauntog
Nang magkamalay ay naroon na naman ako (naroon na naman ako)
Inasikaso ng doktor na pili ng utol ko (doktor na pili ng utol ko)
Biglang-bigla na lang ang bagong nurse andyan na
Tinanong ko muna sya kung may asawa na sya
Ang sabi nya’y wala ang puso ko’y biglang natuwa
At ang nasabi ko’y
Ale, nasa langit na ba ako? (ale, nasa langit na ba ako?)
Mama, kayo po ba si San Pedro ?(kayo po ba si San Pedro?)
Ok lang sa akin kung ako’y dedbol na
Basta’t ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale nasa langit na nga ako
Ale, nasa langit na ba ako? (ale, nasa langit na ba ako?)
Oh mama, kayo po ba si San Pedro? (kayo po ba si San Pedro?)
Ok lang sa akin kung ako’y dedbol na
Basta’t ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale nasa langit na
Oh ale nasa langit na nga
Oh ale nasa langit na nga ako
Hmm nasa langit nasa langit na nga ako
Hmm nasa langit nasa langit oh
Ale nasa langit na nga ako
Oh ale nasa langit na nga
Live Performance
