Napanood ko na ito nang dalawang beses. Unang beses noong July 29, 2017, at pinakahuli noong February 14, 2026.
My Two Cents
Ang Your Name. ay isa sa mga rare films na kayang pagsamahin ang romance, fantasy, at emotional depth para makabuo ng kuwentong hindi madaling makalimutan. Hindi lang ito tungkol sa dalawang taong nagpapalitan ng katawan (body-swapping) – tungkol din ito sa connection, memories, at sa mga kakaibang paraan kung paano nagtatagpo ang buhay ng mga tao. Dagdagan pa ng breathtaking animation at napakagandang soundtrack, at mayroon kang pelikulang maiiwan sa isip at puso mo kahit tapos na ang credits.
Clever ang storytelling nito, pero hindi naman ito ’yung klase ng pelikulang malilito ka na lang habang pinapanood. Yes, may body-swapping. Yes, may twist tungkol sa timeline. Pero hindi mo kailangang mag-notes para lang masundan ang kuwento.

Una kong napanood ito noong July 29, 2017. At sa rewatch, mas tumatama sa akin ang kuwento bilang isang reflection tungkol sa timing, mga pagkakataong pinalampas, at kung gaano ka-fragile ang human connections. Mas mabigat sa pakiramdam ang emotional impact kapag alam mo na kung ano ang mangyayari. Hindi na lang ito tungkol sa “what happens” kundi mas tungkol sa “how it feels.”
“There’s no way we could meet. But… one thing is certain. If we see each other, we’ll know. That you were the one who was inside me. That I was the one who was inside you.”

Leave a Reply