Napanood ko na ito nang ilang beses. Unang beses noong August 2009, at pinakahuli noong February 8, 2026.
My Two Cents
Ang Dakota Skye ay nag-stand out para sa akin dahil sa simple pero intriguing niyang concept: isang babae na kayang malaman kapag nagsisinungaling ang isang tao. Hindi man perfect ang execution, enough yung concept para ma-curious ka at ituloy ang panonood. Kung mahilig ka sa mga indie films na medyo raw at experimental ang dating, may certain charm ang movie na ito na talagang tumatatak.
‘Yung superhero power ni Dakota ay puwedeng tingnan bilang metaphor sa realization na hindi laging honest ang mga adults, o sa feeling na overwhelming minsan ang katotohanan, o sa paghahanap ng connection na walang deception.
Maganda ring na-capture ng movie yung teenage isolation: yung feeling na emotionally out of sync ka sa mga tao sa paligid mo, mabilis mong mapansin ang hypocrisy ng iba, o hindi mo lang talaga alam kung saan ka nagfi-fit in.

Hindi siya ‘yung smoothest na film, at hindi rin top-tier ang acting, pero sincere at raw siya. Kung kaya mong tanggapin yung honesty at intent ng film at i-overlook nang kaunti yung production value, maa-appreciate mo na ‘yung roughness nito ay parte rin ng charm niya.
Dito ko rin unang narinig ‘yung song na “Got My List” ni Jonah Matranga (onelinedrawing) na isang cover ng kantang “My List” ng hardcore punk band na 7Seconds.
First time ko ito napanood around August 2009. Isa ito sa mga comfort films ko, at ilang beses ko na rin siyang pinanood just to re-experience yung unusual premise niya. May unique feel siya na parang may dahilan para balikan ko every once in a while.
Heads-up lang kung ise-search mo itong movie: kapangalan nito ang isang pornographic actress. Ingat lang, at baka maling video ang mapanood mo! =p
“I want to tell you that I like you. But I can’t tell you that, can I? I want to tell you to forget about him. He’s a great guy, the best, and he’s my brother and everything but blood, and you two are good together. But I still want to tell you to tell him to fuck off and to be with me. I want to tell you that since the moment I met you, I can’t even get your face out of my brain. But I can’t tell you that, that all I want right now in the world is to take you away with me. No him, no here, no this. Just us. If just for a day, you know? But I can’t tell you that. I mean, you can’t make me. I mean, what kind of a person would I be if I went and told you something like that?”

Leave a Reply