Isang lalaki ang pumunta sa doktor at nagsabi na masama ang kanyang pakiramdam.
Sinuri siya ng doktor, pagkatapos ay lumabas ng silid at bumalik na may dalang tatlong magkakaibang bote ng mga tabletas. Ang sabi ng doktor, “Pagkagising mo, inumin mo ang berdeng tableta at sabayan mo ng isang malaking baso ng tubig. Inumin mo ang asul na tableta kasabay ng isang malaking baso ng tubig pagkatapos mo mag-tanghalian. Bago matulog, inumin mo ang pulang tableta kasabay ng isa pang malaking baso ng tubig.“
Nagulat ang lalaki sa napakaraming gamot na kailangan niya inumin at nauutal na nagtanong, “Doc, ano ba ang problema sa akin?“
Ang sagot ng Doktor, “Hindi ka umiinom nang sapat na dami ng tubig.“
0
0
votes
Pa-Rate Naman Po.
