Isang babae ang pumunta sa lokal na espiritista sa pag-asang makausap ang kanyang mahal na yumaong lola. Nagsimulang gumalaw ang mga talukap ng mata ng espiritista, nagsimula ding manginig ang kanyang boses, umangat ang kanyang mga kamay sa itaas ng mesa, at bigla siyang umungol.
Sa kalaunan, isang boses ang lumabas, na nagsasabing, “Apo? Nandiyan ka ba?“
Ang customer, na nanlaki ang mga mata, at nasa gilid ng kanyang upuan, ay sumagot, “Lola? Ikaw ba yan?“
“Oo apo, ako ito.“
“Ikaw ba talaga ‘yan, lola?” ulit ng babae.
“Oo, ako talaga, apo.“
Mukhang naguguluhan ang babae, “Sigurado ka bang ikaw iyan, lola?“
“Oo apo, sigurado akong ako ito.“
Huminto sandali ang babae, “Lola, may tanong lang po ako sa inyo.“
“Kahit ano, apo ko.“
“Lola, kailan ka pa natutong mag-tagalog?“
