Nagpasya ang isang ministro na ang isang visual demonstration ay magdaragdag ng diin sa kanyang sermon sa Linggo.
Apat na bulate ang inilagay sa apat na magkakahiwalay na garapon.
Ang unang bulate ay inilagay sa isang lalagyan na may alcohol.
Ang pangalawang bulate ay inilagay sa lalagyan na may usok ng sigarilyo.
Ang ikatlong bulate ay inilagay sa isang lalagyan na may chocolate syrup.
Ang ikaapat na bulate ay inilagay sa isang lalagyan na may maganda at malinis na lupa.
Sa pagtatapos ng sermon, iniulat ng ministro ang mga sumusunod na resulta:
Ang unang bulate na nasa alak – Patay.
Ang pangalawang bulate na nasa usok ng sigarilyo – Patay.
Ang pangatlong bulate na nasa chocolate syrup – Patay.
Ang ikaapat na bulate na nasa maganda at malinis na lupa – Buhay.
Kaya tinanong ng ministro ang kongregasyon, “Ano ang natutuhan niyo sa demonstration na ito?“
Mabilis na nagtaas ng kamay ang isang maliit na matandang babae sa likuran at sinabing, “Basta umiinom ka ng alak, naninigarilyo at kumakain ng tsokolate, hindi ka magkakaroon ng bulate!“
