Sa isang company sa Makati, pagkatapos ng office hours, may grupo ng mga kalalakihan na nagkukumpulan. Hindi para mag-usap tungkol sa trabaho, hindi para magtrabaho, kung hindi para mag-compete sa pinaka-prestigious na event sa larangan ng sports — ang 2004 Cool Pool Competition. Ang Cool Pool (o 3-D Ultra Cool Pool) ay isang pool computer game.

Medyo blurry na ang recollection ko kaya hindi ako sure kung accurate pa ang mga sumusunod:
16 kaming lahat na nag-compete (posibleng mas kaunti pa). Karamihan ka-department ko. Pero meron ding sumali mula sa ibang department.
₱10 (or ₱20) ang registration fee.
₱60 (?) ang prize para sa runner-up. ₱100 (?) para sa champion (at bragging rights).
Nine Ball. Gumamit kami ng traditional bracket system (parang NBA playoffs). Best-of-3 (?) ang bawat game except sa Championship na Best-of-5 (?).
Naging controversial ang Jump Shot na ginawa ko during championship.
Isa lang ang sure ako. 100% sure. Ako ang nag-champion 🏆😎
Ang nakakatawa nito eh bano talaga ako maglaro sa totoong billiards 😁 Pero hindi siya naging hadlang para isama ko sa aking e-mail signature na ako ay “2004 Cool Pool Champion.” 😎
Anyway, noong bagong setup ako ng PC ko, naisip ko lang maghanap kung mayroon pang available na pirated copy ng game na ito, and to my surprise, free to download na ang Cool Pool sa My Abandonware.

How to Download:

Based lang ito sa ginawa ko ah. Ni-download ko lang ‘yung Full-Rip (121 MB) at ‘yung Patch dito.
‘yung Full-Rip, i-extract mo lang ‘yung ZIP file, at puwede na agad laruin. I-click mo lang ‘yung CoolPool.exe.

‘Yung patch, same lang din. I-extract mo lang ‘yung ZIP file tapos i-click mo lang ‘yung cp101us.exe. Itatanong lang niya ‘yung location ng CoolPool.exe mo. Nakalagay sa readme.txt ‘yung mga updates sa patch. Actually, nilaro ko na agad without even installing the patch.

Hindi ko pa na-try ‘yung Online option niya. 1-Player (versus computer) lang ako kapag naglalaro. And nananalo pa din naman, paminsan-minsan.





