Lapag

pointer pointer

Matagal na ang website na ito (2012) pero hanggang ngayon ay puwede pa din makatulong sa boredom mo. Simple lang. Ituro mo lang ang mouse pointer mo sa isang location sa iyong screen. Itigil mo saglit. At magdi-display ito ng isang image kung saan may isang tao na nakaturo sa location ng pointer mo.

media cheat sheet

Pagod ka na ba sa pag-google kung ano ang size ng "Facebook cover photo", o size ng "Instagram Story Post"? Tapos, madalas hindi pa updated ang nakukuha mo sa search result. Well, same kayo ng problema ng may pakana ng website na ito. Kaya gumawa na siya ng ultimate searchable directory para sa up-to-date social media image and video sizes.

CelebHeights

Ang website na ito ay makakatulong sa mga panahon na hindi ka makatulog sa kaiisip kung swak ba ang height mo sa celebrity crush mo kung sakaling kayo ay magka-holding hands while walking.

cringeMDb

Cringeworthy talaga ang makapagsalang ka ng pelikula na may sex scene or kahit may nudity lang, tapos ang manonood ay ang buong pamilya mo, with parents and kids. Kung may website lang sana na puwede mo i-check kung safe panoorin ng buong pamilya ang isang pelikula.

photoskop

Ang proyekto na ito ay para sa visual and interactive learning ng photography. Meron ditong library ng mga interactive lessons na may useful explanations, visual markers at directives, at iga-guide ka sa buong leaning process. Puwede sa both beginners at advanced photographers.

bored button

Hey, bored ka na ba? Nalulungkot at walang makausap? I-click mo lang ang red button at dadalhin ka sa isa sa daan-daang interactive websites na sinala para mapagaan ang iyong pagkabagot. Click lang ng click hanggang hindi ka na bored.