Maaaring walang official etiquette rules ang Facebook, pero sa paglipas ng panahon, nakabuo na ang mga users ng sarili nilang set ng mga unwritten Facebook rules. Para sa mga Pinoy netizens, ang mga social norms na ito ay puwedeng maging dahilan kung ikaw ay magugustuhan, hindi papansinin, o worst of all, ma-unfriend. Kung naisip mo na kung bakit hindi nakakakuha ng expected reactions ang mga posts mo, o mas malala pa, kung bakit bigla na lang nananahimik ang mga tao, makakatulong ang mga practical Facebook etiquette tips na ito para mas smooth kang makapag-navigate sa social media.
General Posting Etiquette
Don’t Overshare
Iwasang mag-post ng status update kada minuto tungkol sa buhay mo. Hindi naman kailangang malaman ng mga friends mo ang bawat isang bagay na ginagawa mo.



Iwasan din ang pagpo-post ng sobrang personal na detalye na maaaring maging uncomfortable para sa iba. Hindi mo kailangang i-share ang play-by-play ng away ninyo ng partner mo. May mga bagay na mas magandang pag-usapan na lang offline. Minsan, ang TMI (too much information) ay… too much talaga.

Avoid Vaguebooking
Ang vaguebooking ay ang sadyang pagpo-post ng malabo, walang malinaw na ibig sabihin, mysterious, o sobrang emotional na messages para makakuha ng attention at concerned reactions mula sa friends at family.
Pinaghalong “vague” at “Facebook” ang term na vaguebooking. Puwede itong simpleng post gaya ng “Haist, what a day…” hanggang sa mas seryosong messages na sadyang pinapaisip ang mga tao o nagtutulak sa kanila na magtanong kung ano ang nangyari.
Ang pagpo-post ng cryptic status gaya ng “Pagbabayaran mo ito” nang walang kahit anong context ay obvious na fishing lang for attention. Naghihintay ka lang na magtanong ang mga marites.
Samantala, may ibang tao namang mapapaisip kung sila ba ang tinutukoy mo.

Think Before You Post
Kapag mataas ang emosyon, iwasang mag-post agad dahil malaki ang chance na hindi mo na napag-isipang mabuti ang sasabihin mo. Gaya nga ng sinasabi, nadala ka lang ng emosyon.
Kapag na-post mo na, kahit burahin mo pa ito pagkatapos, may chance na may nakapag-screenshot na. Mahirap nang bawiin ang isang bagay na naipost na online.
“Niloko mo ako, Pedrito!!! Kung alam lang nila na once a month ka lang maligo.”
Tapos later mo mare-realize na hindi naman pala nag-cheat si Pedrito. Anong gagawin mo ngayon?
Wala na. Alam na ng lahat na takot pala sa tubig si Pedrito. 😄
Think Before You Tag
Huwag basta i-tag ang friends mo sa mga embarrassing photos nang hindi muna humihingi ng permission.
At huwag mo ring i-tag ang buong barangay sa selfie mo.
Kung wala naman silang kinalaman sa post, huwag na silang i-tag.

Respect Privacy
Iwasang mag-post ng balita tungkol sa ibang tao – gaya ng pregnancy, breakup, pagkakasakit, at iba pa – kung hindi pa nila ito mismo naipo-post. At higit sa lahat, magtanong muna at humingi ng permission.
Consent, bestie. Consent is the key. 😄
Don’t Humblebrag Too Much
Ang humblebragging ay ang pagpapakitang-gilas na nakatago sa anyo ng pagrereklamo o pagiging kunwaring modest.
Okay lang naman ang simpleng life update. Pero kung ginagawa mo ito nang madalas, nakakaumay na rin.

Avoid Novel-Length Statuses
Facebook is NOT Wattpad. Kung mas mahaba pa ang post mo kaysa sa isang buong episode ng K-drama, baka mas bagay na i-blog mo na lang. At kung magba-blog ka na din lang, gamitin mo na ang referral code ko. 😄
Lalo na ngayon na patok ang Reels at Shorts, mas maikli na rin ang attention span ng mga tao. The faster people can consume your post, the better.
#Don’t #Abuse #Hashtags
#This #is #not #Instagram. Two or three hashtags are enough. Baka mas madami pa ang hashtags mo kaysa sa mismong content ng post mo. 😄

Don’t Try Too Hard for Validation
“Feeling pangit today. Huhu.”
Tapos magagalit ka kapag walang nag-comment ng, “Hindi, ang ganda mo nga eh.” 😄
Huwag gano’n, friend.
Photos & Media
Don’t Flood Feeds
Ang pag-upload ng 100 photos nang sunod-sunod ay puwedeng bumara sa timelines ng mga friends mo. Mas magandang mag-filter muna. Piliin ang best shots, tanggalin ang malabo at duplicate, saka mag-post.
Mas okay pa, gumawa na lang ng album para isang post lang ang lalabas sa timeline.
Quality is greater than quantity. Wala namang may oras na mag-scroll sa 47 photos ng isang birthday cake. 😄
Be Careful Posting Photos of Kids
May mga magulang na ayaw ma-post online ang photos ng mga anak nila. Magtanong muna bago mag-post.
Hindi lahat ng baby bath time kailangang mapunta sa Facebook.
Engagement & Interactions
Don’t Argue Endlessly in the Comment Section
Matutong rumespeto sa mga opinyong iba sa iyo. Okay lang ang healthy debate, pero hindi kailangang mauwi sa galit at heated na away. Facebook is not the place for that.
At kung makikipag-debate ka, stick to the topic. Huwag nang gawing personal ang usapan o mauwi sa personal attacks.

Reply to Tags/Messages
Kung may nag-tag o bumati sa iyo, magandang i-acknowledge ito kahit simpleng Like lang. Ibig sabihin na rin nito, “Message received.” 👍
Appreciate Consistent Commenters
Kung may taong regular na nagla-Like at nagko-comment sa mga posts mo, magandang mag-reply o mag-Like back paminsan-minsan. May fan ka na nga, i-ignore mo pa.
Kapag tumigil na siyang mag-engage sa posts mo, mamimiss din ’yan ng ego mo.
Avoid Commenting “First”
This is not YouTube in 2010.
Links, Memes & Content Sharing
Fact-Check Before Sharing
Ang pagkalat ng fake news o clickbait ay puwedeng makasira sa credibility mo. What if tumakbo ka for Mayor someday?
Kung sabihin ng idol mong si Kyrie na flat ang Earth, huwag mo naman agad paniwalaan. Do your own research. Just because you saw it on Facebook doesn’t mean it’s true.
Mabilis kumalat ang fake news. Minsan mas mabilis pa sa tsismis. Verify first. Sana hindi kita makitang nagpo-post ng, “Bill Gates is giving away ₱7,000 to anyone who comments ‘Amen.’”
Don’t Spam Promotions
Masaya ako na may sarili kang business, pero huwag naman sanang puro promotion ang posts mo. Ang paulit-ulit na pagpo-post ng ads o promos ay puwedeng makainis at maging dahilan para i-unfollow ka ng mga tao.
Promote moderately and responsibly. Hindi kailangang gawing online billboard ang Facebook profile mo.
Limit Meme Sharing
Funny is good, but too much is not always good. Ang memes ay parang seasoning, konting sprinkle lang dapat. Huwag mong ibuhos ang buong salt shaker.
Tone & Sensitivity
Have Cultural or Political Sensitivity
Iwasan ang mga content na sobrang divisive o offensive kung hindi ka handang tumanggap ng negative reactions. Sensitive topics ang religion at politics, kaya kung maaari, iwasan muna.
Magsimula ka muna sa “Eat Bulaga” vs. “It’s Showtime.”
Post Wisely
Rule of thumb: mag-post na parang lahat ng taong nirerespeto mo ay puwedeng makabasa nito – ang iyong boss, parents, friends, at maging ang future self mo.
Bago mag-post, tanungin ang sarili mo kung okay lang ba sa iyo na makita ito ng lahat ng iyon, kasama na din ang iyong crush, at kahit pa yung siga sa inyong barangay.
Kung okay ka sa lahat ng iyon, then go ahead and click “Post.”
Social Behavior & Privacy
Don’t Stalk Too Obviously
Kung ini-i-stalk mo sa Facebook ang ex mo, ang cute mong bagong office mate, o ang kaklase mo noong Grade 5 na ka-holding hands mo sa ilalim ng desk, mag-ingat sa pag-scroll.
Habang palalim nang palalim ang pag-i-stalk mo, mas tumataas ang chance na aksidente mong ma-Like ang isang lumang bikini beach photo.
At oo, may notification na mapupunta sa kanya. Kahit i-unlike mo pa agad, hindi mo na puwedeng i-“unsend” ang moment na iyon. 😭
Don’t Add People You Don’t Know
Medyo creepy ang mag-send ng friend request sa mga taong hindi mo naman kilala.
Facebook is NOT Pokémon. Hindi mo kailangang ma-“Catch ’em all.” 😄
Respect Relationship Changes
Kung may nagpalit ng relationship status mula “Married” to “Single,” pigilan ang sarili na mag-message at manghingi ng chika.
The fact na hindi mo alam kung bakit siya nag-change status, eh baka ibig sabihin, hindi naman talaga kayo ganoon ka-close. Huwag nang mangulit.
Stalk quietly na lang. Baka na-post na pala niya ang dahilan.
Birthdays & Greetings
Birthday Basics
Isang simpleng “Happy Birthday” ay sapat na. Hindi na kailangang dagdagan ng, “Bill Gates is giving away ₱7,000 to anyone who comments ‘Amen.’”
Don’t Intentionally Greet Late
May mga taong sadyang late bumabati para sila lang ang mapansin. Huwag gano’n, friend.
Kung nakalimutan mong bumati, mag-comment ka na lang ng greeting sa post ng iba.
Posting Style
Don’t Always Be Angry
Okay lang mag-vent paminsan-minsan. Pero kung lahat na lang ng post, reaction, at comment mo ay galit 😡, baka mas magandang i-uninstall mo na lang ang Facebook.
O kaya ay lumabas ka na lang at sumigaw ng: “Sino siga dito? Tara, suntukan tayo!” At least, alam na agad ng lahat kung ano ang mood mo.
Mix It Up
Subukan mong mag-post ng iba’t ibang klase ng content: selfies, food, opinions, reaction mo noong nag-break up sina Gabby at Sharon, at kung anu-ano pa.
Kung iisa lang ang lagi mong pino-post, baka ma-stereotype ka ng mga tao.
“Nag-post na naman si Jestoni. Malamang tungkol na naman ’yan sa lihim ng Golden Buddha.”
Don’t React to Your Own Post
Nai-post mo na nga eh, kaya hindi mo na kailangang mag-react pa sa sarili mong post.
Imagine nag-post ka ng, “Free will is real in a practical sense,” tapos ikaw rin ang nag-react ng:
“Hmm. Makes sense. This is a good post. Let me heart this post.❤️”
Ikaw na nga ang nag-post, ikaw pa ang nag-heart. Mag-comment ka na rin.
Groups & Community
Don’t Hijack Posts for Promotion
Kung may humihingi ng advice, huwag mong isingit ang business mo.
“Ituloy mo lang, pare. Kaya mo ’yan. Huwag kang panghinaan ng loob. By the way, may insurance ka na ba? Kung wala pa, PM is the key.”
Kung may nag-post tungkol sa wedding nila, huwag ka namang biglang sumingit ng, “Looking for flowers? PM me!”
Hindi lahat ng pagkakataon ay sales opportunity.
Read the Group Vibe
May mga groups na puro biruan, habang ang iba naman ay seryoso. Read the room.
Kung hindi tugma ang tone mo sa mood ng group, baka maging awkward lang ang dating.
Avoid Auto-Adding People to Groups
Huwag basta mag-add ng friends sa kung anu-anong random groups gaya ng “Buy and Sell Used Handkerchiefs of My Cousin’s Neighbor”
Magtanong muna. Hindi lahat gustong makatanggap ng 300 notifications a day.
Boundaries
Don’t Share Private Conversations Without Permission
Kahit nakakatawa pa ’yan, humingi muna ng permission bago i-share. It’s called private conversation for a reason.
Don’t Tag Many People Just for Attention
Hindi mo kailangang i-tag ang 50 friends mo sa isang “Good Morning!” post.
Good morning lang ’yan, hindi roll call.
Tandaan, hindi lahat ng nakikita mo online ay 100% real. Kadalasan, ang pino-post ng mga tao ay ang highlights ng buhay nila, hindi ang mga struggles. Kaya huwag mong ikumpara ang behind-the-scenes ng buhay mo sa highlight reel ng ibang tao.
Ang mga “unwritten rules” na ito ay hindi naman official rules. Puwede mong sundin o hindi. Pero kung susundin mo, baka makatulong ito para maging mas healthy at less toxic ang Facebook para sa lahat.
Pero nasa iyo pa rin ang desisyon. Hindi hawak ng mga unwritten rules ang iyong kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong free will. Gamitin natin ito.
Kung may iba ka pang unwritten rules na gustong idagdag, i-comment mo lang sa comment section.
And by the way…
Bill Gates is giving away ₱7,000 to anyone who comments ‘Amen.’
Leave a Reply