FREE Tagalog Movies: Legit Filipino Movies You Can Stream on YouTube

1–2 minutes
247 words
, ,

Naaalala niyo pa ba ‘yung mga panahong ang hirap-hirap maghanap ng Tagalog movies sa internet, libre man o may bayad? ‘Yung tipong hinalughog mo na ang lahat ng mga torrent sites na alam mo, pero kadalasan ay mga foreign films lang ang iyong makikita. At kung makahanap ka man ng Tagalog movie, malaki ang posibilidad na ito ay recorded lang sa sinehan, hindi maganda ang quality, o may mga ads at malaking watermarks. At siyempre, huwag natin kalimutan na ang mga Tagalog movies na nakuha natin noon sa internet ay mga pirated copies.

Nowadays, streaming services na ang norm. May mga platforms na kung saan puwede tayo manood ng mga Tagalog movies. Ang iba ay libre, pero kadalasan ay required kang mag-subscribe o magbayad sa kanilang service.

Pero kung FREE ang ating pinag-uusapan, marami nang YouTube channels na nag-o-offer ng free Tagalog movies, luma man o bago. Pero ngayon, hindi na ito mga pirated copies. Ito ay mga official uploads, na kadalasan ay nanggagaling directly sa mga film studios dito sa Pilipinas.

Narito ang ilang playlist ng mga Tagalog movies na nakalap ko para sa inyo na gusto ng “movie night on a budget”, o nais lamang balikan ang mga lumang pelikula ng ating mga idolo tulad nila Dolphy, FPJ, Sharon, Aga, o Jolina!

There you go. Hindi mo na kailangang magsaliksik sa madidilim na sulok ng internet para makanood ng Tagalog movies. Kung may na-miss akong YouTube channel na wala sa listahan, just comment down below.

Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *