Are You Having Fun?

Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa pero during Covid-19 pandemic, napansin ko na napapadalas ang pagka-karaoke ng aming over-da-bakod na kapitbahay. Siguro dahil pinag-work from home na kami simula noong pandemic kaya mas madalas ko na sila marinig na bumirit. Noong una, parang Sabado at Linggo lang ang concert nila. Pero minsan wala nang pinipiling araw at oras. ‘Yung tipong nasa call/meeting ka tapos ang background music mo eh isang lasing na kumakanta nang wala sa tiyempo.

‘Yung side ng bahay namin ay nakaharap sa pader na border ng aming subdivision. May kalsada sa pagitan ng bahay namin at ng pader. Sa kabilang bahagi ng pader na ‘yun ay isang government relocation site. At isa sa mga bahay doon na katapat mismo ng bahay namin ang source ng kantahan. Actually, apat ang napansin naming bahay na nagka-karaoke sa kabilang bakod, pero mas nangingibabaw ang bahay na ito dahil malapit nga sa amin.

Ok lang naman mag-karaoke. Madalas naman eh tapos na sila pagtuntong ng 10:00PM. Oh eh ano ang problema?

SOBRANG LAKAS nila mag-karaoke!!!

Gaano kalakas? Isara mo ang bahay mo, pumasok ka sa restroom at isara mo din ang pinto, buksan mo ng todo ang gripo, mag-headphone ka at magpatugtog ng todo, pero rinig mo pa din ang ‘Just Once‘ ni James Ingram. Ganoon kalakas.

Gaano kalakas? Alam mo ba na kapag naglakad ako ng mga walong bahay palayo sa bahay namin, tapos kakanan ako at lalagpasan ang isang buong basketball court, may isang sari-sari store doon sa kabilang kanto. Noong minsang bumili ako sa tindahan na ito, rinig ko doon ang pagka-karaoke nila. Ganoon kalakas.

May mga kapitbahay kami sa aming subdivision na sinubukan na din na itawag sila sa baranggay pero hindi naman nabibigyan ng aksiyon. May iba na tinanggap na lang ang tadhana nila. Tulad namin. Hahaha. Bakit ‘ka mo? Well, mahabang istorya. Pero noong panahon na madalas napuputulan ng tubig ang subdivision namin, itong katapat-bahay namin na ito ang pumayag na magpa-igib sa amin ng tubig. Naging kaibigan na din namin ni misis. Kaya kahit gaano pa kalakas sila mag-karaoke (at magpatugtog), umaasa na lang kami na someday ma-realize nila na may volume control ang karaoke nila at puwede nila itong hinaan.

Noong una, hindi namin sure kung sila din ba talaga ‘yung source ng karaoke. Pero minsan, napuntahan na namin ni misis ang bahay nila. Sa ground floor sila nakatira at sa labas ng bahay nila ay may isang hagdan papunta sa isang upper floor kung saan doon naka set-up ang karaoke nila at ang speakers ay nakaharap nga sa bahay namin. Hahaha.

Pero dahil nga nakasanayan na namin, dedma na lang talaga. Pero noong June 12, holiday at walang pasok, napansin ko na mas malakas pa sa nakasanayan ang ginawa nilang pagpapatugtog at pagkanta. Ganoon siguro sila mag-celebrate ng Araw ng Kalayaan.

At naisip ko lang, just for fun, na subukang i-document ang kanilang mga paparating pa na karaoke session. Hopefully makakuha din kayo ng idea kung anong mga songs ang puwede ninyo kantahin kapag nag-karaoke din kayo. Huwag lang kalimutan na dapat ang lahat ay in moderation. Iwasan ang sobrang lakas na pagkanta at pagpapatugtog. Hindi lahat ng kapitbahay mo ay kapareho mo ng taste sa music. At hindi naman requirement na marinig ng isang buong subdivision ang iyong hidden talent sa pagkanta. At huwag kakalimutan na iwasang kantahin ang ‘My Way‘ ni Frank Sinatra.

June 20, 2026 Saturday

Start: 5:00PM
Eternally by Engelbert Humperdinck
Il Mondo by Engelbert Humperdinck
(NOTE: May isang bata na hindi pa marunong magsalita ang sumasabay kumanta)
Release Me by Engelbert Humperdinck
Lonely Is A Man Without Love by Engelbert Humperdinck
(NOTE: Sumabay ulit ang bata na kumanta)
Love Me With All Your Heart by Engelbert Humperdinck
How Can I Tell Her by Lobo
Iniibig Kita by Roel Cortez
My Love Will See You Through by Marco Sison
Ibang-Iba Ka Na by Renz Verano
<Nagpatugtog ng medley ng danceable Visayan songs>
Stupid Love by Salbakutah
Buhay Ng Gangsta by Marvin Salubsob featuring OG Sacred and Braduzz
<5:45PM-7:00PM Nagpatugtog ng Rap, Hip-Hop at R&B songs na hindi ma-identify ng Shazam at medyo hindi masyadong malakas>
Isang Babalikan, Isang Iiwanan by Cristy Mendoza
<7:10PM-7:57PM Nagpatugtog ulit. Ilan sa staple songs na madalas patugtugin: Touch by Touch by Joy, Wow Ganda by RK Kent Music, Mahal Pa Rin Kita by Rockstar, Obladi-Oblada pero hindi The Beatles version, When The Smoke is Going Down by Scorpion, Ode To My Family by The Cranberries, When The Smoke is Going Down (ulit), Ode To My Family (ulit)>
Skyline Pigeon by Elton John
Lover’s Moon by Glenn Frey
Boulevard by Dan Byrd
Sa Kuko Ng Agila by Freddie Aguilar
Nagmamahal Kahit Bawal by Narex Barnaan
Ikaw Sana by Ogie Alcasid
Kailangan Kita by Gary Valenciano
Himala by Rivermaya
Minamahal Kita by Freddie Aguilar
Kawawang Cowboy by Fred Panopio
End: 8:42PM

June 27, 2026 Saturday

Start: 11:00AM
<11:00AM-6:00PM Nagpatugtog ng mga songs>
Ibang-Iba Ka Na by Renz Verano
Iniibig Kita by Roel Cortez
Nasaan na ang Pangako by Roel Mendoza
Bato Ba Ang Puso Mo
by Jerry Ledesma
Tanging Sa’yo by Jerome Abalos
(NOTE: May isang bata na hindi pa marunong magsalita ang sumasabay kumanta sa bawat kanta sa taas)
Hindi Ako Laruan by Imelda Papin
(NOTE: May isinalang na dalawang kanta pero walang kumanta kun’di ‘yung bata)
Beautiful Sunday by Daniel Boone
Stupid Love by Salbakutah
Buhay Ng Gangsta by Marvin Salubsob featuring OG Sacred and Braduzz
(Rap Song na hindi ko alam =p)
(NOTE: May isinalang na kanta pero walang kumanta)
You’re The Inspiration by Chicago
Nandito Ako by Ogie Alcasid
Kalapastangan by fitterkarma
Nandito Ako (ulit) by Ogie Alcasid
Sa’yo Lang by Renz Verano
<7:45PM Nagpatugtog nga mga songs>
End: 8:20PM 

0 0 votes
Please Rate My Post
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted