
Created By:
Brannon Braga
David S. Goyer
Released:
2009 – 2010
Based On:
Flashforward
by Robert J. Sawyer
Seasons:
1
Episodes:
22
Genre:
Country:
Network:
ABC
Sex & Nudity:
Keribels
Violence & Gore:
Keribels
Profanity:
Keribels
Alcohol, Drugs & Smoking:
Keribels
Frightening & Intense Scenes:
Medyo
Nasubaybayan ko ng ipinalabas siya noong 2009. Nagustuhan ko ‘yung concept ng show. Sayang nga lang at na-cancel agad pagkatapos ng isang season.
Noong October 6, isang misteryosong kaganapan ang naging sanhi na ang halos lahat ng tao sa mundo ay sabay-sabay na nag-black out o nawalan ng malay sa loob ng 2 minuto at 17 segundo, kung saan nakita ng mga tao ang visions ng kanilang buhay approximately six months in the future – isang pandaigdigang “flashforward.”
Everyone in the world will get a flash of their own future.
The whole world's on pins and needles, people. Air traffic's been grounded. People scared to leave their homes, walk across the street. Hell, we've got Martial Law across half this country. Priority number one. Finding out what caused this. Priority number two, is figuring out whether or not it'll happen again. You got it?

Kunwaring Review
Malupit ang concept premise ng FlashForward. Halos lahat ng tao ay nawalan ng malay nang sabay-sabay sa loob ng 2 minuto at 17 segundo. At sa oras na ‘yan, nakita nila ang kanilang buhay six months in the future. Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng global panic at investigation. Mahu-hook ka talaga at mapapaisip.
Pumasok siya sa usaping fate versus free will. Kung alam mo ang mangyayari sa future, puwede mo ba siyang baguhin? Ang ilang characters ay pinilit labanan ang kanilang visions. Ang iba ay kumilos para ito ay mangyari. Ang iba ay natakot kung mangyayari man ito o hindi.
Bawat episode ay nagdadagdag ng bagong pieces sa isang malaking puzzle. Designed talaga ang show para ikaw ay mapaisip at ma-excite para sa susunod na mga mangyayari. Clue-heavy at mystery-driven ang series na ito.
Na-cancel ang show after one season. May mga nasagot namang katanungan, pero hindi lahat ng misteryo ay nagkaroon ng closure. Kung hanap mo ay isang smart, suspensefulsci-fi drama, at ok ka lang sa ganitong open-ended na show, rewarding pa din siyang panoorin.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung alam mo na ang paparating na magaganap?
Sino ang dapat manood?
- Mga fans ng cerebral sci-fi mysteries dahil mapapaisip ka kapag pinanood mo ito
- Bagay sa mga taong nag-e-enjoy sa mga philosophical questions lalo na at ang premise ng tv series na ito ay lahat ng mga tao sa mundo ay nakita ang kanilang future six months ahead
- Fans ng mga ensemble network drama tulad ng Lost, Fringe at Heroes
- Mga mahilig sa pagbuo ng hypothesis o theory at mahilig maghanap ng mga clues
Sino ang baka hindi ito matripan?
- Mga manonood na ayaw ng mga unresolved arcs since na-cancel ang tv series na ito after one season
- Mga mahilig sa fast pacing na palabas kesa sa mystery buildup
