Last Updated: February 17, 2026
Welcome sa denster project (“me”, “my” o “mine”). Sa pag-access mo o paggamit ng https://densterproject.com/ (the “Site”), ikaw ay pumapayag na masaklaw sa mga sumusunod na Terms and Conditions, Privacy Policy, Copyright, at Disclaimers. Mangyaring basahin ito ng mabuti. Malay mo may surprise quiz sa dulo 😁
⚡ TL;DR (Too Long; Didn't Read)
Nirerespeto ko ang iyong privacy, pero pinaghirapan ko ang lahat ng content dito, at kung gagamitin mo ang site na ito para gumawa ng bagay na weird o illegal, kailangan nating maghiwalay na ng landas. At, hindi ako psychic — kaya gamitin mo ang mga impormasyon na mapupulot mo dito at your own risk!
1. The "Don't Be a Jerk" Policy (Terms & Conditions)
Sa pagtambay mo dito, ikaw ay pumapayag to play by the rules. Isipin mo na lang na bahay ko ito at ikaw ay aking bisita. Lahat ng mga contents dito ay for personal sharing, fun, and learning.
Cool Ka Lang: Walang hacking, walang injecting, walang scraping, at huwag gamitin ang aking site para sa shady purposes o para magpakalat ng digital cooties (malware).
Age Check: Ikaw ay dapat na at least 18 years old (or kapag may katabi kang guardian angel) kung dadalaw ka dito.
Sipa: Kung ikaw ay aasta na isang troll, may karapatan ako na sipain ka palabas ng pintuan nang walang paunang abiso. Kaya iwasang mang-spam, mang-troll, o mag-post ng offensive comments.
Use at your own risk. Kung sinunod mo ang nabasa mo ditong guide, or nag-download ka ng nabanggit ko na freebie, o sinubok mo gawin ang aking nasabi, ginawa mo iyon ng voluntarily. Kung matapunan ka man ng coffee, tea, o juice habang ginagawa ito — aba eh hindi ko na kasalanan ‘yun.
Respect: Huwag makipag-away o mang-bash sa comments. Dapat enjoy lang tayo dito. Keyboard warriors, kalma lang.
“Terms and conditions are like software updates,
we all agree without knowing what’s inside.”
2. Your Secret Stash (Privacy Policy)
In compliance sa Philippine Data Privacy Act of 2012 (RA 10173), itinuturing ko ang iyong data tulad ng sa akin — na may sobrang pag-i-ingat at walang halong kalokohan.
What I Take: Basic lang — maaaring ang iyong pangalan at email address kapag ikaw ay nag-subscribe, nag-comment, o nag-send ng message. Puwede din makalap ang gamit mong browser, device type, IP address — mga usual na website stuff.
What I Do With It: Ginagamit ko ang iyong info para mapanatili ang smooth na pagtakbo ng site, ma-improve ang iyong experience sa tuwing papasyal ka, magpadala ng updates o replies kung ikaw ay subscribed o kung ni-contact mo kami, at pigilan ang mga spammers at trolls na mambasag ng trip.
Hindi ko ibebenta ang iyong data sa third parties (kahit pa bayaran ako ng milyun-milyon). Period. Maaari lang namin i-share kung required ng batas, kailangan para mapanatili ang site na secured, o kung gagamit ng trusted third-party tools (tulad ng analytics o email services).
Cookies: Hindi ‘yung nakakain ah, pero yung mga small files na nakakatulong sa site na tumakbo ng suwabe at maalala ang iyong preferences. Ginagamit lamang ito para sa analytics para makita kung anong post ang tumabo o nilangaw sa takilya. Minsan ay para din sa functionality (para hindi ka na mag-re-type ng ilang info). Puwede mo i-turn off ang cookies sa iyong browser, pero posibleng ang site na ito ay maging malungkot, o hindi mag-work ng 100%.
Your Rights: Depende kung saan ka nakatira, posibleng may karapatan ka na ma-access ang iyong data, utusan ako na i-delete ang iyong data, o tumanggi sa certain data uses.
Ginagawa ko ang aking best para mapanatiling safe ang iyong data. Pero tandaan: walang system ang 100% hacker-proof. (Kahit si Superman eh may kryptonite.)
“Privacy is like underwear.
Everyone has it, but it’s not polite to show it off.”
3. The "Don't Sue Me" Clause (Disclaimer)
Bagama’t tina-try ko ang aking best para mapanatiling accurate at updated ang mga impormasyon dito, hindi ako nangangako na lahat ng naririto ay 100% correct, current, o swak sa iyong sitwasyon. Pasensiya na, tao lang.
No Crystal Balls: Ang mga contents ng site na ito ay para sa informational, entertainment, at minsan ay para sa experimental purposes only. Isipin mo na lang na para lang itong chikahan niyo ng mga tropa mo na matagal mo nang hindi nakikita — masaya, minsan kapaki-pakinabang, pero hindi siya substitute sa isang professional (financial, legal, medical, etc.) advice. Makipag-usap ka sa mga real-life pro bago ka gumawa ng malaking hakbang.
External Links: Minsan, naglalagay ako ng mga links papunta sa ibang websites. Kapag ni-click mo ang mga links na ito, ibig sabihin eh nililisan mo na ang tambayan na ito, at hindi ako magiging responsable kung ano man ang mangyari sa iyo sa bago mong tambayan. Browse responsibly. Hindi ko kayang i-control ang buong internet… sa ngayon 😈
Not Liable: Hindi ako liable sa anumang loss, damage, o mild existential crisis na mangyari sa pagbisita mo sa site na ito. Maging sa broken gadgets, emotional damage sa aking mga movie recommendations, o ma-miss mo ang iyong mga deadlines dahil nag-binge-reading ka ng mga posts dito. Hindi ko kasalanan kung matapunan ka ng kape kapag ikaw ay natawa, o kung ikaw ay maiyak sa sobrang ganda ng aking content, o kung lumampas ka sa LRT/MRT station habang nagbabasa, o kung i-share mo sa social media ang aking content at ikaw ay ma-bash, o kung malibang ka sa kakabasa at maubos ang iyong mobile data.
“The nice thing about disclaimers is that they can make you feel safe,
while telling you you’re on your own.”
4. Who Owns What? (Copyright & Fair Use)
My Brainchild: Lahat ng pagsusuri, paghuhumyaw, writings, images, designs, media, at mga walang kuwentang kuwento sa site na ito ay akin. Kung ako man ay mag-share ng contents mula sa mga kaibigan, collaborators at iba pang sources, magbibigay ako ng proper credit.
Sharing is Caring: Feel free na i-share ang mga links sa aking mga posts, o i-quote ang aking sinabi na sa tingin mo ay may katuturan, o i-post ang aking mga akda sa social media – basta huwag kalimutan magbigay ng proper credit sa denster project. Simpleng shoutout o link lang ay sapat na para mapangiti mo nang slight ang aking puso.
Big No-No: Walang bahagi ng site na ito ang maaaring kopyahin, kabuuan o bahagi man; itago sa ref, o sa right; ihulog sa drop box; isulat ng magmuli with feelings; i-xerox o i-print; at i-post at angkinin na ito ay iyong sariling obra maestra. Bawal din i-re-upload ang mga images, designs at media nang hindi nagpapaalam. Bawal din gamitin ang mga contents for commercial purposes tulad ng pagbebenta o pagsasangla, republishing, pag-print sa t-shirts at mugs, at ipa-tattoo sa noo na walang approval ng denster project.
Kung may nais ka gamitin sa site na ito, magpaalam ka lamang. Most likely, papayag naman ako. Lalo na at may kasamang free coffee.
The Borrowed Stuff: Kung makakakita ka ng mga movie posters, album covers, book covers, mga occasional na cinematic screenshots, hindi ko pag-a-ari ‘yan! Ito ay pag-a-ari ng mga brilliant studios, artists at labels na siyang maylikha ng mga ito.
Why they’re here: Ginagamit ko ang mga assets na ito under sa Fair Use provisions ng Philippine Intellectual Property Code (Section 185). Nilagay ko ang mga ‘yan para magbigay lamang ng context sa mga pagsusuri at komentaryo ko.
No Harm Intended: Ang layunin ko ay para ipagbunyi ang mga katha na ito, at hindi para angkinin at baguhin. Kung ikaw ay copyright holder at gusto mong palitan o tanggalin ko ang mga asset na ito, padalhan mo na lang ako ng friendly note at ito ay aking tatanggalin na mabilis pa sa alas-kuwatro.
“Ctrl+C and Ctrl+V are not life hacks,
they’re lawsuits waiting to happen.”
5. The "Where We Settle Things" (Governing Law)
Kung magkakaroon tayo nang hindi pagkakaunawaan na hindi madadaan sa maboteng usapan, aayusin natin ito sa ilalim ng batas ng Republika ng Pilipinas.
6. Updates
Maaaring baguhin ng denster project ang nilalaman ng page na ito from time to time. Ang anumang mga pagbabago ay ipo-post din sa page na ito kasama ang updated na effective date. Ang patuloy na paggamit ng site pagkatapos gawin ang mga pagbabago ay nagpapahiwatig ng pagtanggap sa nasabing pagbabago.
Reach Out!
Mayroon ka bang tanong? Gusto mo ba mag-“hi”? May nakita ka bang typo? Puwede mo akong padalhan ng love letter.
“Rome wasn’t built in a day.
Neither are great blogs.”
