Hello, Police Station po ba ito?

Opo. Ang pong maipaglilingkod namin sa iyo?”

Gusto ko sanang i-report ang aking kapitbahay na si James Dacuycoy. Meron siyang mga marijuana na itinatago niya sa mga kahoy na ginagamit niyang panggatong. Hindi ko alam kung paano niya itinatago sa loob ng mga kahoy pero sure ako na doon niya itinatago.

Maraming salamat sa inyong pagtawag at pagbibigay ng tip, sir.

Kinabukasan, nagpunta ang mga kapulisan sa bahay ni James. Nagpunta sila sa shed kung saan nakalagay ang mga kahoy na gagawing panggatong. Gamit ang palakol, pinagpuputol nila ang lahat ng mga kahoy pero wala silang nakita na marijuana. Humingi sila ng pasensiya kay James at umalis na lang sila.

Maya-maya, nag-ring ang telepono ni James.

Yo, James! si Elvis ito. Pumunta ba mga pulis diyan?

Oo.

Pinutol ba nila ang mga kahoy mo?

Oo, pre.

Nice, may panggatong ka na. ‘Yan na regalo ko sa iyo. Happy Birthday, pre!

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments