May isang lalaki sa isang bar na hindi umiinom, at tinitingnan lang ang kanyang inumin. Kalahating oras na niya itong tinititigan. Maya-maya, isang malaking takaw-away na truck driver ang lumapit sa kanya, inagaw ang kanyang inumin, at ininom ito hanggang maubos.

Nag-umpisa umiyak ang lalaki. Ang sabi ng truck driver, “Uy pare, nagbibiro lang ako. Heto at ibibili kita ng bagong inumin. Ayokong nakakakita ng umiiyak na lalaki.

Nagsalita ang lalaki, “Hindi ‘yun pare eh. Ito na yata ang aking worst day ever sa buong buhay ko. Una, tinanghali ako ng gising, at na-late ako sa pagpasok sa opisina. Nagalit ang boss ko at sinisante ako.

Nung paalis na ako sa building namin at papunta na sa parking area, nalaman ko na nanakaw pala ang kotse ko. Ang sabi ng mga pulis, ay wala na daw silang magagawa dito.

Sumakay ako ng taxi para umuwi sa bahay. Paglabas ko ng taxi, naalala ko na naiwan ko pala ang wallet ko sa loob ng taxi. Kukunin ko sana pero biglang humarurot paalis ang driver.

Pagpasok ko sa bahay, nakita ko ang asawa ko sa kama kasama ang aming hardinero. Umalis ako ng bahay at dumiretso sa bar na ito.

At habang iniisip kong wakasan na ang aking buhay, bigla kang dumating at ininom ang aking lason.

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments