dude: “Ano english ng water?”
emimeng: “H2O.”
dude (with intimidating stare): “Sigurado ka H2O?!”
emimeng: “Uhm, oo, H2O.”(moment of silence)
emimeng: “Hindi, joke lang 😁”
More or less ganyan umikot ang kuwentuhan. Isang gabi habang nakatambay sa kanto ng peep street at walang magawa, hindi sinasadya pero meron din kaming mangilan-ngilan na natutunan.
Inuman (Prologue)
denster: “Emimeng, kuha ka na ng pitsel at lagyan mo ng tubig. Tapos bibili na kami ni Jems ng maiinom at pulutan.”
emimeng: “Sige, pare. Antayin niyo ‘ko.”
Sikreto ni Pong Pagong

edgy: “Alam niyo ba kung bakit ‘yung isang kamay ni Pong Pagong eh nasa bandang dibdib niya lang lagi? Kasi pare, ‘yung isang kamay nung taong nasa loob, nagpapaypay!”
Bahaw Theory
jems: “Alam niyo, ‘yung mga bahaw niyo, masisira din ‘yan kinabukasan. Kaya ilabas niyo na para bibili na lang ako ng sardinas.”
Malabong Usapan
denster: “Minsan, naglalakad ako at wala akong suot na salamin. Nakita ko si Zein. Naglalakad din, papunta sa akin. So, kinawayan ko at tinawag ko siya. Habang papalapit nang papalapit, unti-unti kong nare-realize na hindi pala si Zein ‘yung kinakawayan at tinatawag ko. Para hindi ako mapahiya, nung malapit na sa akin ‘yung lalaki (na akala ko si Zein), sumigaw at kumaway pa rin ako sa imaginary Zein. Para hindi niya isiping siya ‘yung tinawag ko 🤪”
Math
dude: “One plus one?”
balweg: “Two!”
dude: “Two plus two?”
balweg: “Four!”
dude (with intimidating stare): “Four?!”
balweg: “Hindi. Joke lang 🤭”
Sex Education
chito: “Virgin pa ako pero alam ko na lahat ng gagawin.”
edgy: “Pero hindi mo pa alam ‘yung feeling.”
kareshi: “Subukan mong magsawsaw ng pandesal sa kape, tapos idikit mo sa ano mo — ‘yun ang feeling.”
edgy (habang nagbabasa ng adult magazine): “Sabi mo nakita mo na ito Bina? Eh bakit sa tuwing may nagbubuklat eh lumalapit ka?”
Ang Lihim ng Hand Trowel
denster: “Pare, nung grade four ako, nawala ‘yung hand trowel ko para sa gardening class namin. Sure ako na dala ko ‘yun nung pumasok ako. Binali-baligtad ko na ‘yung school bag ko, pero wala talaga. Umiyak yata ako kaya hindi pinaalis ang buong klase hangga’t hindi nabubuksan lahat ng mga school bags at hindi nalalaman kung sino ang kumuha. Nung hindi talaga makita, nag-decide ang teacher namin na mag-ambagan na lang ang buong klase para mapalitan ang hand trowel ko. Pag-uwi ko, at pagbukas ng school bag, dalawa ang hand trowel ko. Nakasiksik sa pinakailalim ‘yung isa.” 🤯
Hygiene
edgy: “Pare, hindi ka man lang naghugas ng kamay. Amoy ano pa eh.”
Inuman (Epilogue)
Makalipas ang mahaba-habang kuwentuhan…
denster: “Nasaan na si Emimeng?”
edgy: “Nabartolina na. Hindi na siguro pinayagang lumabas.”
jems: “Uwi na tayo. Naghintay pa ako sa wala.”
Ang kuwentuhan na ito ay nai-post ko na dati sa lumang blog ko around August 2005. May minimal lang na binago sa aesthetics.




