Free Games mula sa Epic Games Store: Step-by-Step Guide

4–6 minutes
995 words
, , ,

Kung mahilig ka sa games pero allergic ka sa presyo (tulad ko), well, good news! May website na namimigay ng free PC games every week. Legit. Legal. At walang cracks o torrents na involved.

Ang Epic Games Store, ang digital game store ng company behind Fortnite at Unreal Engine, ay regular na namimigay ng free games. Kapag na-claim mo na ang isang eligible game, permanente na itong mapupunta sa iyong account. Kahit matapos pa ang promo, hindi na nila ito basta-basta babawiin sa iyo. Hindi mo rin kailangang i-download agad!

So, paano mo makukuha ang mga free PC games na ito? Let’s go step-by-step!

  1. I-click ang Sign In, at piliin ang option para gumawa ng account.
  2. Mamili kung paano mo gustong mag-register. Puwede mong gamitin ang email address mo o ang supported account mo sa Google, Facebook, Xbox, PlayStation, Nintendo, o Apple.
  3. I-verify ang email address mo kung kinakailangan.
  4. I-enable ang two-factor authentication (2FA), dahil kailangan ito para makapag-claim ng weekly free games.

Tapos! Ready ka na.

  1. Dito mo makikita ang mga game na kasalukuyang free. Makikita mo rin kung hanggang kailan valid ang promo at kung may naka-schedule nang mga susunod na free games.

Sa example na ito, ang Out of Sight at TerraScape ay free mong makukuha hanggang October 15, 2026, at 11:00 PM Philippine time. Makikita mo rin na sa October 15–22, ang mga susunod na free games ay Agent A: A Puzzle in Disguise at Bad Cheese.

Tandaan na nagbabago ang lineup at schedule, kaya i-check palagi ang official page para sa latest information.

  1. I-click ang title ng game na gusto mo.
  2. Sa game page, i-click ang Get button.
  3. May lalabas na checkout page o window. I-check kung 0.00 ang total. Yay!
  4. I-click ang Place Order o Add To Library o anumang katumbas na button na ipinapakita sa checkout.
  5. Kapag successful na ang transaction, mapupunta ang game sa iyong Library.

And voila! May free game ka na. Yay! Ulit!

Note: Hindi mo kailangang i-download agad ang game. Once na-claim mo na ito successfully, mananatili ito sa iyong account kahit matapos na ang promo. Basta, siguraduhing nakumpleto mo ang claiming process.

  1. Buksan ang installer at sundin ang installation instructions.
  2. Mag-log in gamit ang iyong Epic Games account.
  3. Pumunta sa iyong Library tab.
  4. Hanapin ang game na gusto mong laruin at i-click ang Install.
  5. Kapag tapos nang i-download at i-install ang game, i-click ang Launch para makapaglaro na.

Note: Pagkatapos mong i-add sa Library ang isang game, maaaring may lumabas na prompt na nagtatanong kung naka-install na ang Epic Games Launcher sa PC mo. Kung wala pa, puwede mong piliin ang No, get launcher para i-download ito.

Troubleshooting Tip: Kung ma-encounter mo ang error na “The Epic Games Launcher Setup Wizard ended prematurely” sa Windows, isang option ang pag-install ng Epic Games Store mula sa Microsoft Store. Ito rin ang isa sa mga paraang inirerekomenda ng Epic Games sa official troubleshooting guide nila.

Sa case ko, hindi ko ito na-encounter sa Windows 11, pero baka makatulong ito sa iba.

Karaniwang may bagong free games tuwing Thursday ang Epic Games Store. Sa Pilipinas, madalas itong lumalabas nang 11:00 PM kapag daylight saving time sa US Pacific time zone.

Pero dahil puwedeng magbago ang schedule depende sa season, mas mabuting tingnan ang countdown sa official Free Games page.

Tip lang: Mag-set ka ng weekly reminder sa phone mo para hindi mo makalimutan ang pag-claim!

Iba-iba! Mula sa indie gems hanggang sa malalaking titles tulad ng GTA V, Death Stranding, Control, at Assassin’s Creed Syndicate, namimigay ang Epic Games Store ng iba’t ibang klase ng games.

Hindi guaranteed na may AAA title every week, siyempre. Pero malay mo, may makita kang game na matagal mo nang gustong laruin!

Hindi, basta ang game ay available bilang free giveaway at zero ang total sa checkout.

I-claim mo lang ito at i-add sa Library mo. Hindi mo kailangang magbayad para sa mismong free game.

Secret lang natin ito, ah!

Tuwing holiday season, minsan ay may special promotion ang Epic Games Store kung saan may bagong free game kada 24 hours. Noong holiday event mula December 11, 2025 hanggang January 8, 2026, nagkaroon ng iba’t ibang AAA titles at indie favorites, kabilang ang Hogwarts Legacy, Disco Elysium – The Final Cut, at Chivalry 2.

Kaya kapag holiday season na, mas sulit na silipin ang Free Games page nang mas madalas para walang ma-miss na giveaway.

Hindi ko pa ito personally na-try, pero ayon sa Epic Games Support, maidaragdag sa account mo ang mobile game kapag sinimulan mo ang installation process. Kung ayaw mo muna itong i-download, puwede mong ihinto ang installation pagkatapos ma-claim.

So, hindi mo rin kailangang ituloy agad ang buong download!

So there you have it! Isang simple at legit na paraan para makapag-ipon ng PC games nang hindi gumagastos kahit isang kusing (except sa kuryente at internet ah, which is given na dapat).

Kailangan mo lang mag-set ng weekly reminder para wala kang makaligtaang free games.

Ito ang aking Epic Games Store Library of free games. So far, nakakolekta na ako ng 179 games! Partida, marami rin akong weeks na napalampas at hindi na-claim ang mga free games.

Pero wala pang naka-install diyan. Hehe. Siguro kapag nakapag-upgrade na ulit ng PC.

Kailan kaya ‘yun?

Anyway, ayun lang and… GAME ON!

Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *