
Original Title:
君の名は。
Kimi no Na wa
Released:
Running Time:
1 hour 46 minutes
Director:
Writer:
Country:
Sex & Nudity:
Keribels
Violence & Gore:
Wala
Profanity:
Wala
Alcohol, Drugs & Smoking:
Keribels
Frightening & Intense Scenes:
Keribels
First time ko napanood noong July 29, 2017.
Ang mga high school students na sina Mitsuha at Taki ay complete strangers na nabubuhay sa kanilang separate lives. Pero isang gabi, bigla silang nagpalit ng puwesto. Nagising si Mitsuha sa katawan ni Taki, at si Taki sa katawan ni Mitsuha. Ang bizarre occurence na ito ay patuloy pang nangyayari randomly, at ang dalawa ay kinakailangang mag-adjust sa buhay ng isa’t isa.
SEPARATED BY DISTANCE, CONNECTED BY FATE.
There's no way we could meet. But... one thing is certain. If we see each other, we'll know. That you were the one who was inside me. That I was the one who was inside you.

Kunwaring Review
Hindi ito ang iyong typical na “boy meets girl” na story. May body-swapping, time-bending, fate-twisting, at ito’y emotionally devastating (in a good way). It makes you believe that maybe — just maybe — some connections are written in the stars.
Ang animation nito ay sobrang ganda. Ang bawat frame ay mukhang desktop wallpaper. Mula sa golden sunsets, sobrang detalyadong Tokyo cityscapes, payapang rural landscapes, at comet-lit skies.
Isa din sa nagdala ng emotion ng pelikula ay ang magandang soundtrack nito.
Matalino man ang storytelling nito, hindi naman ‘yung tipong maguguluhan ka. Oo, may body-swapping. Oo, may timeline twist. Pero hindi mo na kailangan mag-take down ng notes para maunawaan ang kuwento.
Ang Your Name. ay magpaparamdam sa iyo ng mga bagay-bagay tulad ng pananabik, nostalgia, “what if?” thoughts, at feeling na namimi-miss mo ang isang tao na hindi mo naaalala. Sa tingin ko, kahit non-Anime fan ka ay magugustuhan mo ito.
Sino ang dapat manood?
- Mga hopeless romantics
- Mga fans ng beautiful animation
- Mga taong nag-e-enjoy sa smart storytelling
- Mga music lovers
- Mga mahilig umiyak pero kunwari strong
Sino ang baka hindi ito matripan?
- Mga taong ayaw ng slow emotional build-up
- Sa mga ayaw ng Anime style
- Mga manonood na mas preferred ang purely realistic stories
