
Running Time:
1 hour 42 minutes
Director:
Writer:
Country:
Sex & Nudity:
Wala
Violence & Gore:
Medyo
Profanity:
Medyo
Alcohol, Drugs & Smoking:
Medyo
Frightening & Intense Scenes:
Medyo
First time ko napanood noong February 6, 2026.
Ang buhay ng dalawang paramedic sa New Orleans ay nasira matapos makatagpo ng serye ng mga kasuklam-suklam na pagkamatay na nauugnay sa isang designer drug na may bizarre at otherworldly effects.
TIME IS AN ILLUSION.
You know the difference between your life and mine? Do you wanna know what the difference really is? Random events, chance, and luck. Now, some people might think it's God, or the universe, or what the fuck ever, but that's what it is.

Kunwaring Review
Okay ang Synchronic kung nasa mood ka para sa sci-fi film na gugulo sa isip at feelings mo. ‘Yung tipong mapapaisip ka pagkatapos mo mapanood ang pelikula.
Intriguing ang kanyang sci-fi hook kung saan ang isang street drug ay magdadala sa iyo sa iba-ibang points in time depende sa iyong kasalukuyang location kapag ginamit mo ang drug na ito. Medyo bright pero nakakabagabag.
Sa likod ng pagiging sci-fi film, tungkol din ito sa friendship at mortality. Dito ay may dalawang longtime friends na drifting apart at hinaharap ang kanilang pagtanda, karamdaman at responsibilidad. Ipinakita din dito kung hanggang saan ang handa mong puntahan para sa taong mahal mo.
Imbes na ipaliwanag sa iyo ang lahat sa umpisa pa lamang, hahayaan ka na sumabay sa pagtuklas ng mga bagay-bagay kasabay ng mga characters sa pelikula.
Solid din ang performances nina Anthony Mackie at Jamie Dornan dito. Benta naman ang friendship nila. In particular, okay din si Anthony Mackie sa pagbuhat ng emotional weight habang nakikipagtuos sa time, regret at limited chances.
Fair warning: hindi ito perpekto pero interesting ang konsepto. Ang ilang ideas ay hindi masyado na-explore. Medyo paiba-iba ang pacing (nabagalan ako sa first 45 minutes). At hindi lahat ay lubusang naipaliwanag.
Sino ang dapat manood?
- Mga sci-fi fans na nag-e-enjoy sa thoughtful at original concepts
- Mga manonood na nag-e-enjoy sa genre blends (mystery + thriller + existential theme)
- Mga fans ng character-driven indie cinema
- Mga manonood na open sa atmospheric at slightly dark na pelikula
Sino ang baka hindi ito matripan?
- Mga mahilig sa fast-paced o blockbuster sci-fi
- Mga manonood na sensitive sa violence at mature content (medyo lang naman)
