Hindi constant ang ikot ng Earth. Paminsan-minsan, bumibilis o bumabagal ito nang kaunti. Pero sa long term, gradually itong bumabagal, partly dahil sa tidal interaction nito sa Moon.
Dahil dito, humahaba nang kaunti ang isang araw – around 1.8 milliseconds bawat 100 years, on average.
Pero ang mas nakakagulat dito, around 600 million years ago, ang isang araw sa Earth ay tumatagal lang ng mga 21 hours. Ibig sabihin, mas maraming araw ang isang taon noon kaysa ngayon.
At hindi lang ito simpleng calculation. May evidence mula sa ancient rocks at fossils na ginagamit ng scientists para malaman kung gaano kabilis umiikot ang Earth noong sinaunang panahon.
The Earth’s rotation is changing speed: should we be worried?
Leave a Reply