Si Juan at si Pedro sa Mental Hospital

Noong bata pa ako, ito ang isa sa mga unang pilyo jokes na narinig ko sa kalsada.


Sa isang mental hospital…

Doctor: Juan, ano ang unang-una mong gagawin kapag nakalabas ka na rito sa mental hospital?

Juan: Uuwi po ako sa bahay namin para makita ko muli ang pamilya ko. Tapos maghahanap po ako ng trabaho.

Doctor: Puwede ka nang makalabas next month, Juan.


Doctor: Pedro, ano naman ang unang-una mong gagawin kapag nakalabas ka na rito sa mental hospital?

Pedro: Titiradurin ko po ang buwan.

Doctor: Hindi ka pa puwedeng lumabas, Pedro.


Makalipas ang isang buwan, pinalabas na si Juan at muling tinanong si Pedro.

Doctor: Pedro, ano ang unang-una mong gagawin kapag nakalabas ka na rito sa mental hospital?

Pedro: Pupunta po ako sa beer house.

Doctor: Pagkatapos?

Pedro: Kukuha po ako ng babae at dadalhin ko sa motel.

Doctor: Pagkatapos?

Pedro: Huhubarin ko po ang damit ng babae.

Doctor: Pagkatapos?

Pedro: Huhubarin ko po ang bra niya.

Medyo nag-init ang Doctor sa mga sagot ni Pedro kaya ipinagpatuloy niya pa rin ang pagtatanong.

Doctor: Pagkatapos?

Pedro: Huhubarin ko po ang panty niya.

Doctor: Pagkatapos?

Pedro: Kukunin ko po ang garter ng panty… tapos titiradurin ko po ang buwan.


Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *