Si Edgar ay nag-set up ng blind date para sa kaibigan niyang si Dencio at sa isang dalagang kakilala niya. Pero medyo nag-aalala si Dencio dahil makikipag-date siya sa isang babaeng hindi pa niya nakikita.
Dencio: Paano kung hindi pala siya attractive? Baka ma-stuck ako sa date na ‘yon buong gabi!
Edgar: Relax ka lang! Meet mo muna siya sa doorstep. Kung gusto mo ang itsura niya, go ahead with the date. Pero kung hindi, sumigaw ka lang ng “Aaaaaauuuggghhh!” tapos magpanggap kang inaatake ng asthma.
Kaya nang gabing iyon, kumatok si Dencio sa bahay ng babae. Pagbukas nito ng pinto, tuluyan siyang natulala. Sobrang ganda ng babae!
Naghahanda na sana siyang magsalita nang biglang sumigaw ang babae:
“Aaaaaauuuggghhh!”
Leave a Reply