Ang Pope at ang Limo

Ito ay hango sa isang joke na na-receive ko via email siguro around 2014.


Pagkatapos ilagay ng driver ang lahat ng bagahe ng Santo Papa sa limousine (at hindi siya nagbibiyahe nang kaunti lang ang dala), napansin niyang nakatayo pa rin sa bangketa ang Santo Papa.

“Excuse me po, Your Eminence,” sabi ng driver. “Maaari na po ba kayong sumakay para makaalis na tayo?”

“Sa totoo lang,” sagot ng Santo Papa, “hindi nila ako pinapayagang magmaneho sa Vatican, kaya gusto ko sanang ako naman ang mag-drive ngayon.”

“Pasensya na po, pero hindi ko kayo puwedeng payagan. Mawawalan ako ng trabaho! At paano kung may mangyari?” pagtutol ng driver, na nagsisimula nang pagsisihan ang araw na iyon.

“Malay mo may dagdag na biyaya para sa iyo,” sabi ng Santo Papa.

Kahit nag-aalangan, lumipat ang driver sa likod habang umupo naman sa driver’s seat ang Santo Papa.

Agad na pinagsisihan ng driver ang desisyon niya nang pagkalabas nila ng airport, biglang todo apak sa silinyador ang Santo Papa at pinatakbo ang limousine nang 105 mph (mga 169 km/h)!

“Dahan-dahan lang po, Your Holiness!” pakiusap ng takot na takot na driver.

Pero tuloy lang sa pag-arangkada ang Santo Papa hanggang makarinig sila ng sirena.

“Diyos ko po, mawawala na ang lisensya ko!” daing ng driver.

Tumabi ang Santo Papa at ibinaba ang bintana nang lumapit ang pulis. Isang tingin lang sa loob ng limousine ang ginawa ng pulis, saka siya bumalik sa motorsiklo niya at nag-radio:

“Kailangan kong makausap si hepe.”

Sumagot ang hepe. “Ano’ng nangyayari?”

“Kakapatabi ko lang sa isang limousine na tumatakbo nang 105 mph.”

“Eh ‘di hulihin mo!” sagot ng hepe.

“Parang hindi po yata puwede… napakaimportanteng tao kasi ang sakay.”

“Mas lalong dapat hulihin!”

“Hindi po, ang ibig kong sabihin, sobrang importante niya.”

“Sino ba ‘yan? Mayor ba?”

“Mas mataas po.”

“Governor?”

“Mas mataas pa po.”

“Eh sino ba talaga?!”

“Sa tingin ko po, si God.”

“Si God?! Bakit mo naman nasabi na si God siya?”

“Ang Santo Papa po kasi ang driver niya!”


Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *