Nagkaanak ang kapitbahay ni Little Johnny. Unfortunately, ipinanganak ang baby na walang tenga.
Pag-uwi ng mag-ina mula sa hospital, inimbitahan ang pamilya ni Little Johnny para bumisita. Bago sila umalis, kinausap muna ng tatay niya si Little Johnny.
Binalaan niya ito na kapag nabanggit niya ang nawawalang tenga ng baby, o kahit sabihin lang ang salitang “tenga”, mapapagalitan siya nang husto pag-uwi nila.
Sinabi ni Little Johnny na naiintindihan niya.
Pagtingin niya sa baby na nakahiga sa crib, ngumiti siya at nagsabi:
Little Johnny: Ang ganda naman ng baby!
Tuwang-tuwa ang nanay ng baby.
Nanay: Ay, salamat naman, Little Johnny!
Nagpatuloy si Little Johnny:
Little Johnny: Ang gaganda ng maliliit niyang paa at kamay, ang cute ng ilong niya, at ang ganda rin ng mga mata niya. Nakakakita naman po siya nang maayos?
Nanay: Oo naman! Sobrang thankful nga kami. Sabi ng doctor, magiging 20/20 ang vision niya.
Little Johnny: Ay, mabuti naman po! Kasi malaking problema po kung kailangan niyang mag-salamin!
Leave a Reply