Napanood ko na ito nang ilang beses. Ang pinakahuli ay noong March 12, 2026.
My Two Cents
Kung trip mo ang intelligent crime films, The Score delivers a satisfying, well-planned heist na pinatitingkad ng solid performances ng cast. Hindi ito tungkol sa grand spectacle, kundi sa precision, tiwala, at tamang timing. Parang nanonood ka ng chess match sa pagitan ng mga professionals.
Bonus na lang na mapanood sina Robert De Niro at Marlon Brando na magkasama sa iisang pelikula. At ang galing din ni Edward Norton habang naghahanda sila para sa heist. Yung paglipat-lipat niya sa iba’t ibang persona ng character niya ay subtle pero fascinating na parang may mini acting showcase sa loob mismo ng movie.

“Let me ask you something. When did you start thinking you were better than me, huh?”

Leave a Reply