Napanood ko na ito nang isang beses. At ito ay noong April 11, 2026.
My Two Cents
Ang River ay may simple lamang na konsepto pero alam mong pigang-piga ang creativity sa bawat eksena nito. Nag stand out ang pelikula dahil sa tight na pagkakagawa ng lahat – bawat galaw, bawat linya ay parang sinadya na kailangan mong makita at marinig. Nakaka-impress ang precision ng technical aspect ng pelikula kung iisipin mo kung paano ginawa ang bawat eksena.

Mas nagustuhan ko ang unang pelikulang ginawa ng director at writer na Beyond the Infinite Two Minutes. Hindi ko alam kung dahil ba una ko itong napanood at may ilang pagkakahawig ang dalawa kaya medyo nagmukhang predictable nang kaunti ang River lalo na sa revelation sa dulo. Pero ganunpaman, must watch pa din ang pelikula na ito. It’s short, sharp, and surprisingly satisfying.
“This way, please. As quickly as possible! The cause turned out to be very physical. It’s hard for even me to fathom so take a look instead.”

Leave a Reply