Napanood ko na ito nang ilang beses. Unang beses noong 2004, at pinakahuli noong March 8, 2026.
My Two Cents
Una ko napanood ang Proof of Life noong 2004. Wala akong idea kung tungkol saan ang movie noong ni-rent ko ang VCD nito sa Video City. Ang totoo, nag-rent lang ako dahil crush ko si Meg Ryan. 😅

Interesting panoorin ang Proof of Life dahil parang nagkaroon ng parallel ang story nito sa totoong buhay ng mga bida. Sa movie, si Russell Crowe ang gumaganap na hostage negotiator na nahulog ang loob sa character ni Meg Ryan, na may asawa sa story. Pero habang ginagawa nila ang pelikula noong 2000, nagkaroon din ng real-life romance sina Crowe at Ryan.
Naging malaking tabloid story ang relationship nila, lalo na’t kasabay nito ang paghihiwalay nina Meg Ryan at Dennis Quaid. Dahil dito, natabunan ng off-screen romance ang mismong pelikula, at sinabi pa ng director na si Taylor Hackford na naapektuhan ng kontrobersiya ang release nito sa US. Gayunman, sinabi ni Ryan na hindi si Crowe ang dahilan ng pagkasira ng marriage nila ni Quaid, kaya hindi rin patas na isisi sa kanilang relasyon ang lahat ng nangyari.
“Are you in love with this woman? Terry… I don’t know what you’re holding out hope for. That you’re gonna save this lady’s husband, and she’s gonna see the light and run off with you? It doesn’t work that way. You know that.”

Leave a Reply