Napanood ko na ito nang isang beses. At ito ay noong June 15, 2026.
My Two Cents
Ang Project Hail Mary ay isa sa mga bihirang science-fiction stories na nagagawang maging smart, exciting, funny, at surprisingly emotional all at the same time.
Para sa akin, ito ‘yung uri ng science-fiction na masarap ulit-ulitin katulad ng The Martian. Meron ditong high-stakes survival, matalinong science problem-solving, at puwede ka din maging emosyonal sa ilang mga eksena (tulad ko). Palaging may new challenges sa takbo ng istorya, kaya naman tututukan mo talaga ang panonood mula simula hanggang dulo.

Na-balanse ng pelikula ang mga big scientific ideas at ang simpleng buhay ng tao tungkol sa friendship, sacrifice, at perseverance. Maaaring ma-overwhelm ka sa maraming scientific details pero essential ang mga ito para mas maging unique ang experience mo sa panonood ng pelikulang ito.
“He tells me what to do, he tells me why to do it, he tells me how to do it, he tells me when to do it. And then when I do it, he’s like, ‘What are you doing?’”

Leave a Reply