Napanood ko na ito nang ilang beses. Unang beses noong 2005, at pinakahuli noong March 8, 2026.
My Two Cents
Ang High Fidelity ay isa sa mga pinaka-honest at sobrang relatable na movies tungkol sa love, heartbreak, at self-sabotage. Binaliktad nito ang usual na concept ng romantic comedy dahil instead na mag-focus sa kung paano nagwo-work ang relationships, mas tinututukan nito kung bakit sila nagfa-fail. Kung nakagawa ka na ng sarili mong “top 5” list tungkol sa buhay mo, this movie will hit close to home.

Highly rewatchable ito, lalo na kapag nasa reflective mood ka. Sharp ang writing, benta naman ang humor, at ramdam mo ang emotional impact ng mga eksena nang hindi nagiging sobrang melodramatic. Gustong-gusto ko ang movie na ito dahil sa pagiging authentic nito, kahit hindi naman palaging likable ang main character.
Una ko itong napanood noong 2005. Isa sa mga personal favorite ko ito, at bida rito ang isa sa mga top actors ko, na si John Cusack.
“What came first? The music or the misery? People worry about kids playing with guns, or watching violent videos, that some sort of culture of violence will take them over. Nobody worries about kids listening to thousands, literally thousands of songs about heartbreak, rejection, pain, misery and loss. Did I listen to pop music because I was miserable? Or was I miserable because I listened to pop music?”

Leave a Reply