Isang araw, may isang lasing na lalaki na amoy na amoy ang alak na sumakay sa LRT. Umupo siya sa tabi ng isang pari.
Puno ng mantsa ang damit ng lalaki, ang mukha niya ay may mga bakas ng pulang lipstick, at may nakasilip pang bote ng alak sa kaniyang bulsa.
Naglabas siya ng diyaryo at nagsimulang magbasa. Maya-maya, bigla siyang nagtanong sa pari:
Lalaki: Father, ano po ba ang sanhi ng arthritis?
Pari: Kadalasan, dulot ito ng hindi maayos na pamumuhay, pakikipagrelasyon sa mga babaeng bayaran, sobrang pag-inom ng alak, at kawalan ng respeto sa kapwa.
Lalaki: Wow! Grabe naman pala!
Bumalik ang lalaki sa pagbabasa ng diyaryo. Samantala, napaisip ang pari sa kaniyang naging sagot. Naisip niyang baka naging masyado siyang mapanghusga sa lalaki, kaya nagdesisyon siyang humingi ng paumanhin.
Pari: Patawad, anak. Hindi ko sinasadyang sagutin ka nang ganoon. Gaano ka na ba katagal may arthritis?
Lalaki: Wala po akong arthritis, Father. Nabasa ko lang sa diyaryo na may arthritis daw ang Pope.
Leave a Reply