The Spelling Contest I Never Got to Finish

3–5 minutes
822 words
,

Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala. Siguro, aware siya na ako ang First Honor noong Grade 1 at Grade 2 ako. Yabang ko lang. Haha.

Anyway, hindi ko na rin matandaan ang exact na usapan namin noon, pero parang ang dating ay isasali niya ako sa isang spelling contest. Siya rin ang magha-handle at magco-coach sa akin.

Ilang Saturdays din akong pumunta sa bahay ni Kuya Ric para mag-practice. Mga isa o dalawang oras per session. May yellow pad paper siya na may mga salitang pinapa-spell niya sa akin. Minamarkahan niya kung alin ang tama at mali kong sagot. Pagkatapos ng session, iuuwi ko ang papel para ma-review ko ang mga salitang hindi ko na-spell nang tama.

Then came the actual contest.

At ang hindi ko malilimutan: apat na sunod-sunod na linggo akong nanalo!

Hindi ko na maalala ang mga words na pina-spell sa akin, maliban sa pinagkakapitapitagan. Ewan ko ba kung bakit iyon pa ang naaalala ko hanggang ngayon, almost 40 years na ang nakalipas.

Every week, smooth lang ang pagkapanalo ko, except noong fourth week. Pareho na kaming wala pang tamang sagot ng kalaban ko, kaya nagkatalo kami sa huling Tagalog word na pina-spell sa akin. Hindi ko na maalala kung ano ang word na iyon. Pero baka pinagkakapitapitagan nga, kaya siguro tumatak sa isip ko hanggang ngayon. Haha.

Isa sa mga rules ng contest ay kapag nanalo ka nang apat na sunod-sunod na linggo, lalaban ka na para sa championship sa fifth week. Hindi ko na maalala kung ang makakalaban ko ba ay ang reigning champion o kung maglalaban-laban kaming mga nanalo nang apat na sunod-sunod na linggo.

Unfortunately, hindi ko na nalaman kung ano ang mangyayari sa fifth week.

Bago dumating ang fifth week, nagkaroon ng coup d’état attempt laban sa gobyerno. Ang pagkakaalala ko, sinabi sa akin na hindi na matutuloy ang spelling contest dahil sa coup.

At hindi na nga natuloy ang championship. Ever.

Sa tuwing mananalo ako, ang premyo ay ₱600, kasama ang apat na Jollibee food certificates: dalawang spaghetti at dalawang palabok, with drinks. ₱200 ang napupunta kay Kuya Ric, at sa kanya rin ang isang spaghetti at isang palabok certificate.

Siyempre, pumupunta kami sa Jollibee para i-claim ang mga food certificates tuwing mananalo ako. Apat kami: ako, si Mama, si Kuya Ric, at kung sino ang kasama niya that day. Minsan, asawa niya; minsan naman, anak niya.

Habang isinusulat ko ito, naisipan kong mag-research tungkol sa memory na ito. Malay mo, guni-guni ko lang pala ang lahat ng ito. Haha.

Nalaman ko na may Armed Forces Radio station na matatagpuan noon sa former 6th Brigade Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Ito ang DZAF, na na-establish noong July 1986 at nagsimulang mag-broadcast noong September 1, 1986.

Ayon sa mga historical reference na nakita ko, itinigil ng DZAF ang operations noong August 1987. Muli itong nag-broadcast noong January 4, 1988, sa ilalim ng pangalang DWDD.

Dito nagsimulang mag-connect ang mga na-research ko sa alaala ko.

Kung tama ang pagkakakonekta ko sa mga detalye, posibleng noong August 1987 ginanap ang apat na linggong spelling contest ko. Ibig sabihin, baka August 1, 8, 15, at 22 ako nanalo, at dapat ay August 29 ang fifth week ko, ang linggo kung kailan dapat gaganapin ang championship.

Tugma ang mga petsang ito sa historical timeline ng coup attempt. Pero wala pa akong nakikitang dokumentong direktang nagpapatunay sa eksaktong dates ng contest o sa mismong pagkakakonekta nito sa DZAF. Ang alam ko lang, nakansela ang contest dahil sa coup.

Hindi ko na rin alam kung may record pa ng contest na ito sa kung saan, o kung may nakakaalala pa sa program na sinalihan ko. Pero kahit hindi ko na makumpleto ang lahat ng detalye, masaya na rin na may mga historical clue akong natuklasan na maaaring makatulong sa pagbuo ng memory na ito.

At kung sakaling mabasa ni Gringo Honasan ang post na ito, may sasabihin lang ako sa kanya:

“Hey, sir, you owe me ₱600 and four Jollibee gift certificates!”

Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *