Napanood ko na ito nang ilang beses. Unang beses noong November 21, 2012, at pinakahuli noong February 15, 2026.
My Two Cents
Ang Limitless ay tumatalakay sa isang fantasy na siguro ay pinangarap na rin ng marami sa atin: ang maging best possible version ng sarili natin. Stylish at entertaining ang movie, at mabilis ang pacing kaya nakaka-hook panoorin from start to finish. Kahit medyo mahirap paniwalaan ang premise nito, maganda ang execution kaya tututukan mo talaga.

Una kong napanood ito noong November 21, 2012. Nagustuhan ko ang movie na ito nang sobra kaya pinanood ko pa ang 2015 TV spin-off, kahit na-cancel ito after just one season.
Isa ito sa mga movie na madaling balikan at panoorin ulit. Hindi man ito perfect, talagang engaging at alam na alam nito kung anong klaseng story ang gusto nitong ikuwento. Para sa akin, isa itong magandang example ng isang “comfort thriller” movie na puwede mong panoorin anytime nang hindi kailangang masyadong mag-invest emotionally, pero mae-enjoy mo pa rin kahit ilang beses mo nang napanood.
“My brain was just pouring this stuff out. Everything I had ever read, heard, seen was now organized and available. Here it is. Here you go.”

Leave a Reply