Noong una, parang Sabado at Linggo lang ang concert nila. Pero kalaunan, wala nang pinipiling araw at oras. ‘Yung tipong nasa call o meeting ka, tapos ang background music mo ay isang lasing na kumakanta nang wala sa tiyempo.

‘Yung side ng bahay namin ay nakaharap sa pader na nagsisilbing boundary ng subdivision namin. May kalsada sa pagitan ng bahay namin at ng pader. Sa kabilang bahagi naman nito ay isang government relocation site. At isa sa mga bahay doon, na katapat mismo ng bahay namin, ang source ng kantahan.

Actually, apat na bahay na ang napansin naming nagvi-videoke sa kabilang bakod, pero mas nangingibabaw ang bahay na ito dahil mas malapit nga sa amin.

Okay lang naman magpatugtog at mag-videoke. Madalas, tapos na rin naman sila pagdating ng 10:00 PM. Oh, eh ano ang problema?

SOBRANG LAKAS nilang magpatugtog at mag-videoke!!!

Gaano kalakas? Isara mo ang bahay mo, pumasok ka sa restroom at isara mo rin ang pinto. Buksan mo nang todo ang gripo, mag-headphones ka at magpatugtog nang todo. Pero rinig mo pa rin ang Just Once ni James Ingram. Ganoon kalakas.

Gaano kalakas? Alam mo ba na kapag naglakad ako nang mga walong bahay palayo sa bahay namin, kumanan, at lumagpas sa isang buong basketball court, may sari-sari store sa kabilang kanto. Noong minsang bumili ako roon, rinig ko pa rin ang pagpapatugtog at pagvi-videoke nila. Ganoon kalakas.

May mga kapitbahay kami sa subdivision na sinubukan na ring itawag sila sa barangay, pero wala namang aksiyon. May iba na tinanggap na lang ang kanilang tadhana. Tulad namin. Hahaha.

Bakit, ‘ka mo?

Well, mahabang istorya. Noong panahong madalas napuputulan ng tubig ang subdivision namin, ang mismong kapitbahay na ito ang pumayag na magpaigib sa amin ng tubig. Naging kaibigan na rin namin ni misis.

Kaya kahit gaano pa sila kalakas mag-videoke at magpatugtog, umaasa na lang kami na someday, mare-realize nila na may volume control ang sound system nila at puwede naman nila itong hinaan.

Noong una, hindi rin kami sure kung sila nga ba talaga ang source ng dumadagundong na ingay. Pero minsan, napuntahan na namin ni misis ang bahay nila. Sa ground floor sila nakatira, at sa labas ng bahay nila ay may hagdan papunta sa upper floor kung saan naka-set up ang sound system nila. Ang mga speaker, siyempre, ay nakaharap sa bahay namin. Hahaha. So feeling ko, mas malakas pa naming naririnig ang tugtog kaysa sa kanila.

Pero dahil nakasanayan na namin, dedma na lang talaga.

Hanggang noong June 12, 2026. Holiday at walang pasok, napansin ko na mas malakas pa kaysa sa nakasanayan ang pagpapatugtog at pagkanta nila. Ganoon siguro sila mag-celebrate ng Araw ng Kalayaan.

At naisip ko lang, just for fun, na subukang i-document ang mga susunod pa nilang sessions. Hopefully, makakuha rin kayo ng idea kung anong mga kanta ang puwede ninyong kantahin kapag nag-videoke kayo.

Huwag lang kalimutan na everything should be in moderation. Iwasan ang sobrang lakas na pagkanta at pagpapatugtog. Hindi lahat ng kapitbahay mo ay kapareho mo ng taste in music. At hindi naman requirement na marinig ng buong subdivision ang iyong hidden talent sa pagkanta.


Disclaimer: Ang mga sumusunod ay personal na tala ng mga pagkakataong napansin ko ang malakas na pagpapatugtog at pagvi-videoke sa aming lugar. Dates, times, songs, at observations lang – para sa record at katuwaan, hindi para mang-away.✌️

Note: Lately, nabawasan na ng isang level ang lakas ng volume nila, pero rinig pa rin ang tugtugan, lalo na sa bandang kusina ng bahay namin na direktang katapat ng bintana nila. Kaya kung naka-headphones ako, posibleng hindi ko na matukoy kung anong kanta mismo ang tumutugtog. Dahil dito, may mga entries na oras lang ang naitala ko.

  • Saturday
    Start Time:
    5:00 pm
    End Time:
    8:42 pm
    Mga Narinig Kong Kanta:
    Eternally by Engelbert Humperdinck
    Il Mondo by Engelbert Humperdinck
    Release Me by Engelbert Humperdinck
    Lonely Is A Man Without Love by Engelbert Humperdinck
    Love Me With All Your Heart by Engelbert Humperdinck
    How Can I Tell Her by Lobo
    Iniibig Kita by Roel Cortez
    My Love Will See You Through by Marco Sison
    Ibang-Iba Ka Na by Renz Verano
    Stupid Love by Salbakutah
    Buhay Ng Gangsta by Hukbalahap ft. O.G. Sacred & Braduzz
    Touch by Touch by Joy
    Wow Ganda by RK Kent Music
    Mahal Pa Rin Kita by Rockstar
    Obladi-Oblada pero hindi The Beatles version
    When The Smoke is Going Down by Scorpion
    Ode To My Family by The Cranberries
    Skyline Pigeon by Elton John
    Lover’s Moon by Glenn Frey
    Boulevard by Dan Byrd
    Sa Kuko Ng Agila by Freddie Aguilar
    Nagmamahal Kahit Bawal by Narex Barnaan
    Ikaw Sana by Ogie Alcasid
    Kailangan Kita by Gary Valenciano
    Himala by Rivermaya
    Minamahal Kita by Freddie Aguilar
    Kawawang Cowboy by Fred Panopio
    Remarks:
    May isang bata ang paminsan-minsang sumasabay sa pagkanta. Baby talk pa lang ang mga naririnig, kaya hindi maintindihan ang sinasabi.
  • Saturday
    Start Time:
    11:00 am
    End Time:
    8:20 pm
    Mga Narinig Kong Kanta:
    Ibang-Iba Ka Na by Renz Verano
    Iniibig Kita by Roel Cortez
    Nasaan na ang Pangako by Roel Mendoza
    Bato Ba Ang Puso Mo by Jerry Ledesma
    Tanging Sa’yo by Jerome Abalos
    Hindi Ako Laruan by Imelda Papin
    Beautiful Sunday by Daniel Boone
    Stupid Love by Salbakutah
    Buhay Ng Gangsta by Hukbalahap ft. O.G. Sacred & Braduzz
    You’re The Inspiration by Chicago
    Nandito Ako by Ogie Alcasid
    Kalapastangan by fitterkarma
    Sa’yo Lang by Renz Verano
    Remarks:
    Nagpatugtog mula 11:00 am – 6:00 pm. May isang bata ang paminsan-minsang sumasabay sa pagkanta. Baby talk pa lang ang mga naririnig, kaya hindi maintindihan ang sinasabi.
  • Sunday
    Start Time:
    1:00 pm
    End Time:
    6:30 pm
    Mga Narinig Kong Kanta:
    Saksi Ang Langit by December Avenue
    Buhay Ng Gangsta by Hukbalahap ft. O.G. Sacred & Braduzz
    Stupid Love by Salbakutah
    Bakit Nga Ba Mahal Kita by Roselle Nava
    Banyo Queen by Andrew E.
    Remarks:
    Mostly patugtog lang sa umpisa. Around 5:30 pm na nag-umpisa ang videoke. At around 6:20 pm, may isang bata na nagsasalita sa mic. Baby talk pa lang ang mga naririnig, kaya hindi maintindihan ang sinasabi.
  • Saturday
    Start Time:
    3:00 pm
    End Time:
    6:00 pm
  • Saturday
    Start Time:
    5:00 pm
    End Time:
    6:00 pm
  • Thursday
    Start Time:
    5:00 pm
    End Time:
    7:20 pm
  • Saturday
    Start Time:
    5:30 pm
    End Time:
    11:00 pm
    Mga Narinig Kong Kanta:
    Paminsan-Minsan by Richard Reynoso
    Iniibig Kita by Roel Cortez
    You Give Love a Bad Name by Bon Jovi
    Under the Same Sun by Scorpions
    Love of a Lifetime by Firehouse
    Sige by 6Cycleminds
    Don’t Stop Believin’ by Journey
    Still Loving You by Scorpions
    Sweet Child O’ Mine by Guns ‘N’ Roses
    Sa Kuko ng Agila by Freddie Aguilar
    Sign of the Times by Harry Styles
    Forever by Kenny Loggins
    Remarks:
    Binati ‘yung Padre de Pamilya ng “Happy Birthday”