Sa madaling salita: Hindi ko talaga alam kung ano ang project na ito, at sa puntong ito, tinatamad na akong alamin pa. =p



Isipin mo lang na ang website na ito ay isang variety show na may iba’t ibang acts at performances (at hopefully, eventually, ay magkaroon din ng mga paid commercials):

Well. ‘Yan ang plano. Pero alam naman nating lahat na “promises plans are made to be broken.” Ang tambayan na ito ay hindi sineseryoso ang sarili nito. May mga posts na saktuhan lang. May mga posts na hindi din ako makapaniwala na naisulat ko. May mga nostalgic. Madalas ay pangit ang pagkakasulat. Pero lahat ay nanggaling sa lugar na puno ng pag-uusisa at saya.

Note: Madalas na ang mga posts ko dito ay in Filipino o Taglish, pero paminsan-minsan, kapag bilog ang buwan, susubukan ko rin gamitin ang aking carabao English. Pero sorry na agad because I’m not pluwent, flooent, flowent… Ah basta, I’m not.


Ano ang susunod na kabanata? Honestly, kahit ano.

For example: Alam niyo ba na ang longest name ng isda ay humuhumunukunukuapua’a? Iyan ang natutunan ko kakasali sa mga non-academic quiz shows noong college. Pero nang i-double-check ko ang spelling bago ko i-post dito, nalaman ko na natalo na pala ito ng lauwiliwilinukunuku’oi’oi. Akalain mo ‘yun.

Ganyan ang uri ng mga top-tier, life-changing content na makikita mo dito. =p


Kung umabot ka hanggang dito, salamat sa pagiging bahagi ng aking journey. Maaaring hindi na “trendy” ang blogging ngayon, pero naniniwala ako na isa pa rin ito sa pinaka-personal na medium. Ito ang aking maliit na sapot sa isang sulok ng internet, at nagagalak ako na nandito ka.

Sabi nga ni pareng Friedrich Nietzsche,

“The advantage of a bad memory is that one enjoys several times the same good things for the first time.”

Friedrich Nietzsche

That, in a nutshell, is what I hope this project will be about – for me, personally. Naks. Spokening dollar.

Kapag ako ay sobrang tanda na, bibisitahin ko ang website na ito (kung afford ko pa rin bayaran ang domain at hosting). Muli kong matutuklasan ang mga bagay na matagal ko nang nakalimutan. Maaalala ko muli ang mga taong may utang sa akin. Makikita ko ulit ang mga post ko “for the first time” at matatawa muli ako sa mga paborito kong corny jokes.

Makikita ko ang sarili kong nakangiti na parang baliw sa madilim na sulok ng aking lumang bahay… habang nakaupo sa aking plastic na upuang kulang na ng isang paa… habang pilit na inaaninag ang website na ito sa aking jurassic phone na tadtad na ng cracks ang screen… nag-iisa… habang nagbibilang ng napakaraming pera. =p

At sana ay mapangiti ka rin kapag aksidente kang naligaw sa tambayan na ito. Tandaan mo na kapag dalawa na tayong masaya… two less lonely people in the world.

Tara, kuwentuhan tayo.