Huling Pahina

Isang gabi, may lalaking nasiraan ng kotse sa isang liblib na lugar, sa tapat mismo ng isang sementeryo na may malaking puno ng balete.

May biglang lumapit na matanda at nag-alok sa kaniya ng isang libro sa halagang ₱2,000.

Namahalan siya, pero dahil sa takot at gusto na rin niyang makaalis sa lugar, napilitan siyang bilhin ito. Bago umalis, nagbilin ang matanda:

“Huwag mong bubuksan ang huling pahina. Kung hindi, pagsisisihan mo!”

Pagkasabi nito, bigla na lang naglaho ang matanda! Kasabay nito, umandar din ang kaniyang kotse. Kaya dali-dali siyang umalis.

Pagdating sa bahay, hindi siya mapakali at hindi rin makatulog dahil sa sinabi ng matanda. Dahil sa curiosity, kinuha niya ang libro at binuksan ang huling pahina.


Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *