May isang kakaibang kaso sa Intensive Care ward ng isang ospital kung saan palaging may namamatay sa iisang kama tuwing Linggo, eksaktong alas-11 ng umaga, anuman ang kanilang medical condition. Nagtataka ang mga doktor at ang ilan pa nga ay naghinalang baka may kinalaman ito sa supernatural o kaya naman ay murder. Walang makasagot sa misteryong ito: “Bakit tuwing Linggo, alas-11 ng umaga may namamatay?”
Tinawag nila sina Mr. Licauco, Fr. Bulatao, at ang mga paranormal experts mula sa Ateneo. Dumating sila isang Linggo, dala ang mga special photographic equipment, infrared devices, at motion-sensitive radar para ma-detect kung may kakaibang presensya sa lugar.
Kaya noong sumunod na Linggo, ilang minuto bago mag-alas-11, kinakabahang naghintay sa labas ng ward ang mga doktor at nurses para personal na masaksihan kung ano ba talaga ang nangyayari. May ilan pang may dalang mga kahoy na krus, tali ng bawang, anting-anting, prayer books, at iba pang holy objects para itaboy ang masasamang espiritu.
At nang mga sandaling iyon, tumunog ang orasan. Eksaktong alas-11. At pagkatapos…
Pumasok si Mang Jose, ang part-time Sunday janitor, tinanggal ang pagkakasaksak ng life support system, at isinaksak naman ang vacuum cleaner.
Leave a Reply