
i hope you had the time of your life
The past is just a story we tell ourselves.
Ang mga alaala natin sa nakaraan ay hindi lang basta recordings ng mga nangyari. Mga kuwento ito na binubuo natin base sa ating mga alaala, emosyon, karanasan, at kung paano natin naiintindihan ang mga pangyayaring iyon sa kasalukuyan.
In other words, puwedeng iba ang paraan ng pag-alala natin sa nakaraan kumpara sa kung ano talaga ang nangyari.
The past is what happened. The story is what we believe it means.
At minsan, kapag binago natin ang kuwento na sinasabi natin sa sarili natin, puwede ring magbago kung paano tayo mamumuhay sa kasalukuyan.
Hindi natin puwedeng baguhin ang mga nangyari kahapon, pero puwede nating pag-isipan ulit kung ano ang meaning na ibinigay natin sa mga iyon. Hindi natin kailangang paulit-ulit na ikuwento sa sarili natin ang parehong kuwento sa buong buhay natin.

there are places i’ll remember
Mga lugar na napuntahan ko, mula noon hanggang ngayon. Some places bring back memories, some remind me of people and experiences, at may iba namang simpleng bahagi lang ng buhay ko. Bawat lugar, may kuwentong puwedeng balikan.

imagine all the people, sharing all the world