Apir Tayo!

3–5 minutes
744 words
, ,

Nag-high five kaya sina José Rizal at Josephine Bracken noong una silang magkita? Nag-high five rin kaya ang mga Presidential Guards ni Emilio Aguinaldo matapos nilang paslangin si Antonio Luna? Ang high five ay hindi naman ancient gesture gaya ng maaaring isipin ng iba, at ang tunay nitong origin ay pinagdedebatehan pa rin hanggang ngayon. Kadalasan, ang mga kuwento tungkol sa pinagmulan nito ay nauugnay sa American sports.

Bago nagkaroon ng “high five,” siyempre, nauna muna ang “low five.” Ang low five ay isang katulad na hand-slapping gesture na bahagi ng African-American culture. Maaaring nagsimula ito noong early 1920s, panahon ng Jazz Age, o posibleng noong World War II. Noong mga panahong iyon, naging popular ang mga expression na “give me five” o “gimme some skin,” na ibig sabihin ay humihingi ka ng ganitong uri ng handshake o hand slap. Kung hindi mo nga pala alam, ang “five” ay tumutukoy sa limang daliri ng isang kamay. Now you know. =p

Ang pinaka-common at pinaka-documented na origin ng “high five” ay nangyari umano sa isang professional baseball game.

Noong October 2, 1977, huling araw iyon ng regular season ng MLB (Major League Baseball). Naglalaro ang Los Angeles Dodgers laban sa Houston Astros sa Dodger Stadium. Noong mga panahong iyon, tatlong Dodgers hitters – sina Steve Garvey, Reggie Smith, at Ron Cey – ay mayroon nang tig-30 home runs, habang si Dusty Baker ay may 29. Sa sixth inning, na-hit ni Baker ang kanyang ika-30 home run. Dahil dito, naging first team ang Dodgers na magkaroon ng apat na hitters na may 30 o higit pang home runs sa isang season.

Itinaas ni Dodgers player Glenn Burke ang kanyang kamay sa home plate para batiin si Baker. Ayon sa kuwento, hindi alam ni Baker kung ano ang gagawin sa nakataas na kamay ni Burke, kaya ang naisip niyang gawin ay itaas din ang sarili niyang kamay at sampalin ang kamay ni Burke. At doon daw naimbento ang “high five.”

May isa pang claimed origin story ng “high five” na sinasabing nangyari naman sa basketball practice ng University of Louisville Cardinals noong 1978–1979 season. Lumapit si Wiley Brown sa kanyang teammate na si Derek Smith para bigyan siya ng traditional “low five.” Ayon sa kuwento, tumingin si Smith kay Brown at sinabi, “No. Up high.” Napaisip si Brown at sinabing, “Yeah, why are we staying down low? We jump so high.” Kaya itinaas nila ang kanilang mga kamay at, ayon sa kuwentong ito, doon ipinanganak ang “high five.”

Ayon naman kay Earvin “Magic” Johnson Jr., siya ang nag-invent ng “high five.” Sinabi niya na paminsan-minsan ay ginagawa niya ito kasama ang kanyang teammate na si Greg Kesler noong naglalaro pa sila sa Michigan State.

Noong 2007, ayon sa dalawang comedy writers na founders ng “National High Five Day,” isang Murray State University basketball player na si Lamont Sleets ang nag-invent umano ng “high five” noong late 1970s hanggang early 1980s. Sinasabing natutunan niya ito mula sa Vietnam War unit ng kanyang ama na tinatawag na “The Five.”

Noong 2013, inamin ng dalawang writers na publicity stunt lang pala ang buong kuwento. By the way, ang “National High Five Day” ay ipinagdiriwang bawat taon tuwing third Thursday ng April.

Kung sino man talaga ang exact inventor nito, naging instant, energetic, at halos universal gesture ang “high five” para sa celebration, solidarity, encouragement, at success, lalo na sa sports.

Ang “high five” ay isang common at accepted gesture na rin sa Pilipinas. Ginagamit ito para magpahayag ng congratulations, agreement, o kahit simpleng greeting lang. At ang unique at localized na tawag natin dito ay “Apir.”

Naniniwala ang Filipino linguists na ang “Apir” ay adaptation ng English phrase na “Up here!”, na isa ring variation ng “high five.”

Katulad ng pagsabi ng “High Five!” o “Give Me Five!”, ginagamit din ng mga Pinoy ang salitang “Apir!” bilang signal na gusto mong makipag-slap ng kamay sa isang tao.

Naging bahagi na ng Pinoy culture ang “Apir,” lalo na sa younger generations, at madalas itong ginagamit sa sports at entertainment.

Gaya rin sa ibang bahagi ng mundo, sumisimbolo rin ito ng positivity, camaraderie, at team spirit.

At katulad ng “pagmamano,” o ng mas modernong “fist bump,” ang pag-apir ay isa rin namang paraan ng pagbati.

Ayun lang. Apir!

Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *