Sinubukan i-apply ng isang bagong teacher ang kanyang natutunan sa psychology class.
Sinimulan niya sa pagsabi, “Okay, class. Kung sino man sa inyo ang nag-iisip na bobo kayo, kung maaari ay tumayo kayo.”
Matapos ang ilang segundo, si Little Johnny ay tumayo.
Nagtanong ang teacher, “Sa tingin mo ba ay bobo ka, Little Johnny?”
“Hindi po, Ma’am,” sagot ni Little Johnny. “Ayoko lang po makita na kayo lang po ang nakatayong mag-isa.”
Leave a Reply