Rewinding Betamax

17–25 minutes
3,920 words
, ,

Noong 2008, ni-release ng bandang Sandwich ang kanilang panlimang album na S Marks the Spot. At isa sa naging hit single nito ang kantang “Betamax“. Isang nostalgic trip ang lyrics ng kanta na ito sa mga panahong limitado pa ang resources natin para makinig ng musika. At the same time, isa rin itong homage sa ilang mga musikero na nagbigay inspirasyon at naglatag ng daan para sa Philippine music industry ngayon. Basically, isa siyang love letter para sa Original Pilipino Music (OPM). For sure may nakagawa na nito, pero tara at isalang muli natin at i-rewind ang awiting Betamax.

Ang MYX (stylized as MYX or myx and pronounced as mix) ay isang Filipino pay television channel na subsidiary ng ABS-CBN. Originally, nag-umpisa siya noong November 20, 2000 bilang programming block sa dating free-to-air channel na Studio 23 bilang pamalit sa MTV Philippines noong lumipat ito ng network. Noong 2002, naging 24-hour standalone cable channel na ang MYX. Ang target nito ay mga youth audience at music video ang kanilang primary content. Isa sa iconic thing na ginawa nila ay ang paglalagay ng lyrics sa mga music videos, which is a nod sa pagkahilig ng mga Pinoy sa karaoke.

Ang MTV ay isang American cable television channel na ni-launch noong August 1, 1981. Originally, nagpapalabas sila ng mga music videos at mga related na music entertainment programming. Dito nauso ang concept ng mga video jockeys (VJs). 1992 ng pumasok ang MTV sa Pilipinas bilang bahagi ng MTV Asia at naki-share ito ng airtime sa mga local channels tulad ng Studio 23. Noong 2001, ni-launch ang dedicated feed na MTV Philippines.



Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *