Horoscope

Tuwing umaga, ang unang bagay na ginagawa ng secretary sa aming opisina ay binubuksan ang pahayagan at binabasa nang malakas ang horoscope ng lahat.

“Megan,” sabi ng boss namin, “mukhang isa ka namang normal, simple, at may talino na tao. Naniniwala ka ba talaga sa astrology?“

“Hindi sir,” sagot ni Megan. “Alam mo naman na madalas magduda at hindi agad naniniwala kaming mga Capricorn.“


Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *