Spider-Man: Brand New Day Trailer – Global Fan Rollout

3–4 minutes
670 words
, ,

Ang marketing para sa Spider-Man: Brand New Day trailer, na officially ni-release kahapon, March 18, 2026, ay ginawa sa pamamagitan ng isang high-engagement “Global Fan Rollout.” Sa halip na gumamit ng traditional big-budget slots tulad ng Super Bowl, pinili ng Sony at Marvel na mag-focus sa isang community-driven digital event.

Sa isang move na dine-describe ni Tom Holland bilang “something that has never been done before,” ginawa ng campaign na isang 24-hour worldwide event ang release ng trailer.

Imbes na isang studio lang ang mag-release ng trailer, 23 brief clips (approximately 2 seconds each) nito ang ipinamahagi sa iba’t ibang Spider-Man fans at content creators sa buong mundo. Sunod-sunod na ni-release ang mga clips habang sumisikat ang araw sa iba’t ibang time zones, na lumikha ng isang “Brand New Day” sa buong mundo, literally at figuratively.

Tinag ni Tom Holland ang unang Spider-Man fan mula Peru na nag-share ng isang clip ng trailer. Pagkatapos, bawat fan ay nag-tag ng susunod na fan hanggang sa ma-release ang lahat ng clips, at bumalik ang chain kay Tom Holland para sa official trailer.

Nagtapos ang event sa New York City noong umaga ng March 18, kung saan opisyal na ipinakita ni Holland ang buong 2-minute trailer mula sa tuktok ng Empire State Building habang sumisikat ang araw sa ibabaw ng lungsod.

NOTE: I-swipe ang bawat Instagram post para makita ang bawat bahagi ng trailer.

Spider-Man: Brand New Day – Official Trailer

Ang release ng Spider-Man: Brand New Day trailer ay nagpapakita kung paano nag-e-evolve ang film marketing beyond traditional methods. Sa pag-involve sa fans bilang participants, hindi lang hype ang ginawa ng Sony at Marvel, kundi isang shared global moment.

Isa itong reminder na minsan, kasing-compelling din ng mismong story ang paraan kung paano ito ipinapakilala sa audience.

Ang tanong ko lang eh bakit wala ang Pilipinas? Perlas nga kami ng Silanganan eh.

Share the Love, or at least the Link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *