Na-finalize na (hopefully!) ang typography, colors, at layout na gagamitin para sa website.
Update: Improvement
Search Blog
Naglagay ako ng Search block sa Blog section na naka-filter para mga Blog posts lang ang isama sa search results.
Nag-install din ako ng Code Snippets plugin para makapaglagay ng PHP code snippet na nagfi-filter sa search na ito. Posibleng magamit din ang parehong setup para sa mga future custom post type na idadagdag ko.
Initial Setup
Ginamit ko ang kasalukuyang default theme ng WordPress na Twenty Twenty-Five at nag-install ako ng mga plugin na gagamitin ko para sa bagong version ng website.
Narito ang mga plugin na na-install ko:
Cleanup Website
Nilinis ko ang website bilang paghahanda para sa Version 2.
Nag-delete ako ng mga posts, pages, CPT UI post types at taxonomies, media files, plugins, menus, categories, at tags. Para na rin akong nagsimula sa isang bagong website.
Backup Website
Nag-backup ako ng first version ng website dahil gusto kong subukan ang Full Site Editing ng WordPress.
Sa unang bersyon ng website, gumamit ako ng libreng Blocksy Theme at Elementor Plugin. Bagama’t nasanay na rin naman akong gamitin ang mga ito, pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Naks.

Denster Project version 1.0 web design
