Update: Feature

  • Removed Search

    Tinanggal ko muna dahil hindi ko na-anticipate na magkaka-issue ako sa custom post type. Isang Search Result page lang pala ang meron para sa lahat. Akala ko puwede gumawa ng template para sa Search Result page ng CPT.

    Babalikan ko na lang on a later date.

  • New: Link

    Nagdagdag ako ng custom post type na Link para maidokumento ko ang mga interesting na links na nakita ko online – mula sa mga websites, articles, YouTube videos, at iba pang bagay sa internet na gusto kong i-share.

  • New: Changelog

    Nagdagdag ako ng custom post type na Changelog para maidokumento ko ang mga update sa project na ito.

    Gumawa rin ako ng single post at archive templates para sa Changelog.

  • Like and Share

  • New: Blog (Kuwento)

    Natapos ko na ang paggawa ng Single Post at mga Archive Page (Date, Category, at Tag) para sa Blog section ng website.

    Natapos ko na rin ang Search Results at 404 Page.

  • Scroll To Top Button

    Naglagay ako ng PHP code gamit ang Code Snippets para magkaroon ng Scroll To Top button na lumalabas kapag nag-scroll down na sa website.

  • Search Blog

    Naglagay ako ng Search block sa Blog section na naka-filter para mga Blog posts lang ang isama sa search results.